Vic Reyes

Hayaan na ICC maghusga kay Duterte

Vic Reyes Apr 20, 2025
13 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.

Nawa’y naging payapa at makahulugan ang pagdiriwang nating lahat ng Semana Santa.

Binabati natin sina: Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama ng Oman; Dolores Montero ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,

God Bless Us All!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

****

May dalawang bagong deputy commissioners (depcom) ang Bureau of Customs (BOC).

Ito ay sina Deputy Commissioners Ronnel Hombre at Michael Fermin, mga dating directors ng BOC, ayon sa Malakanyang.

Pinalitan ni Depcom Hombre si Allan Geronimo, samantalang si Fermin ang pumalit kay Erwin Mendoza.

Ang kanilang appointment papers ay pinirmihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr noong Abril 10 (Huwebes).

Ang pagkaka-appoint kina Hombre at Fermin ay inaasahang makatutulong ng malaki sa BOC upang ma-meet nito ang mga goals sa taong ito.

Ang BOC na pinamumunuan ni Commssioner Bienvenido Y. Rubio ay siyang pangalawang pinaka-malaaking revenue-generating agency ng gobyerno.

Sa taong ito ay naatasan ng gobyerno, sa pamamagitan ng DBCC, na mangolekta ng mahigit isang trilyung piso.

Marami ang naniniwala na kayang kolektahin ng ahensya ang nasabing buwis at taripa.

Ito ay sa kabila ng maraming challenges na kakaharapin ang bansa pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 12.

****

Ilang ulit ng naipaliwanag na mabuti sa taumbayan na walang pakialam ang gobyerno sa mga kaso ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ang problema lang, maraming nanggugulo at nagbibigay ng maling impormasyon ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Maliwanang naman na ang naglalaban dito ay sina dating Pangulong Digong at ang libu-libong mamamayang Pinoy na naging biktima umano ng madugong war on drugs ng una.

Walang pakialam ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Hindi na nga tayo miyembro ng ICC dahil umalis na tayo sa ICC nang panahon pa ni Duterte.

Nangyari ang nasabing “crimes against humanity”noong alkalde pa ng Davao at nasa Malakanyang pa si Digong.

Ang mga kaso ni Digong at kasama sa The Hague ay labanan ng mga Pilipinong naghahanap ng hustisya at mga taong inakusahan ng murder.

Pabayaan na lang nating gumulong ang hustisya sa ICC dahil maraming problemang kinakaharap ang ating bansa.

Hayaan na lang natin ang mga abogado ni dating Pangulong Duterte at biktima ng war on drugs na magsalpukan sa ICC.

Bahala na ang mga hurado ng ICC na humusga kung may kasalanan si Duterte at iba pang makakasuhan.

Kailangang Ituon ng gobyerno ang atensiyon sa mabibigat na problema ng bansa.