Calendar
Heart sumumpang lips lang ang pinaretoke
Umamin si Heart Evangelista na nagparetoke siya ng lips at sumusumpa siyang ito lang ang ipinagawa niya sa kanyang face.
Sa isang video na ipinost ng aktres/fashion icon sa Instagram ay ipinakita niya ang lumang larawan ng isang magazine kung saan siya ang cover girl noong August, 2000.
Aniya, lips lang ang naiba sa kanya from then and now.
“Lips lang ‘yung naiba. Lips lang ‘yung pinagawa ko,” sey ni Heart sabay-tawa.
“It’s true. I’m just saying the truth. Now, if you don’t accept, well, wait for judgment day. Coz this is all real, except that (sabay-turo sa lips),” dagdag pa niya.
Tila bata ring nagsumbong si Heart na ayaw maniwala ng mga tao sa kanya na hindi siya nagparetoke ng ibang parts ng kanyang mukha. Aniya, gusto na niyang pumunta sa doktor para ipa-X-ray ang face niya to prove na totoo ang sinasabi niya.
“Hindi talaga. Mamatay man, seryoso. ‘Eto (lips) lang talaga,” sey pa niya.
Kasalukuyang nasa Paris si Heart para sa Paris Fashion Week.
Sa isang separate video ay ipinakita rin niya ang ginawang pagsa-shopping samantalang kasasabi lang niya sa kanyang show na “Heart World” na magtitipid na talaga siya this year.
‘TROPP’ TAPOS NA
Ibinalita ni Darryl Yap na sa kabila ng napakaraming problemang inabot ng pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” ay natapos na rin nilang i-shoot ang movie.
Sa kanyang Facebook account ay inisa-isa ng direktor ang mga na-encounter niyang problema kabilang na ang pagharap sa reklamo at pagpu-pull out ng distributors.
“Bagamat naging masalimuot ang paggawa ng pelikula — kasama na ang pagpull-out ng mga distributors, pagbawi ng permiso para sa mga awit na gagamitin, pagharap sa mga reklamo at marami pang-iba.
“Natapos namin,” pahayag ni Darryl.
“Maaaring kulang sa pera at koneksyon — pero hindi kami kapos sa tapang at paninindigan. We have finished the film tonight. It will be ready for review,” pahayag pa niya.
Matatandaang sinampahan ni Vic Sotto ng 19 counts of cyber libel si Darryl dahil sa teaser ng movie kung saan ay binanggit ang pangalan ni Bossing.
Naglabas na rin ng trailer ng pelikula si Darryl noong January 21 at kapansin-pansin na wala na ang eksena na inirereklamo ni Bossing at ni walang anumang pagbanggit sa pangalan niya.