Heaven

Heaven karay-karay si Marco sa Rotterdam

Ian F Fariñas Feb 11, 2025
13 Views

UMANI ng papuri sina Heaven Peralejo at Direk Mikhail Red sa katatapos na world premiere ng pelikula nilang “Lilim” sa International Film Festival Rotterdam sa Netherlands.

Ang IFFR 2025 ay ginanap mula Jan. 30 hanggang Feb. 9.

Sa isang Instagram post, makikitang sinamahan si Heaven sa biyahe ng boyfie niyang si Marco Gallo.

Kwento ng aktres, naimbita ang “Lilim” na mag-participate sa IFFR. Ipinadala siya ng Viva Films bilang katuwang ni Direk Mikhail sa pagre-represent ng nasabing horror movie.

First horror film ito ni Heaven at first time rin niyang um-attend sa IFFR kaya naman ganu’n na lang ang excitement at kaba niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na i-expect.

Imadyinin mo nga naman, ang mga unang nanood ng “Lilim” ay pulos direktor, aktor at film lovers mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nakahinga lamang ang dalaga nang marinig at makita ang reaksyon ng mga ito habang pinanonood ang movie.

Pagkatapos ng screening, isang foreigner ang lumapit, nag-congratulate sa aktres at nagsabing magsusulat siya ng review para sa Canadian website community.

“I hope it’s a good one,” biro ni Heaven, na sinagot naman ng foreigner ng, “It’s a positive review, I like the film a lot.”

Caption naman ng aktres sa kanyang IG post, “LILIM had its world premiere at the International Film Festival Rotterdam 2025, and it was such an unforgettable experience. Being there, feeling the audience’s reactions — especially seeing how foreign viewers connected with the film — was both nerve-wracking and heartwarming.”

Pinasalamatan din ni Heaven ang mga kababayang based sa Netherlands na dumayo para suportahan sila at ang pelikula.

Samantala, kasama rin sa cast ng “Lilim” sina Eula Valdez, Ryza Cenon, Mon Confiado, Nicole Omillo, Phoebe Walker, atbp.

Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula March 12.