Knife File photo ni JONJON C. REYES

Helper grinipuhan ng 2X ng lasing, patay

Gil Aman Aug 4, 2025
229 Views

PATAY sa 2 saksak ng lasing ang 40-anyos na pahinante noong Linggo sa Castlerey Enterprises compound sa Brgy. San Austin, Alaminos, Laguna.

Nasawi ang biktimang si Ryan Dayrit sa San Pablo City Medical Center.

Ayon sa attending physician, malubha ang tama ng biktima kaya hindi na naisalba.

Tumakas ang suspek na si alyas Jr. gamit ang Suzuki Raider na motor bilang getaway na sasakyan.