Helper Kinilala ni Police Lt. Col. Alvin Christopher Baybayan ang suspek na may kasong attempted murder matapos na maaresto ng mga operatiba ng MPD sa Tondo, Manila. Mga kuha ni JONJON C. REYES

Helper hinuli sa Tondo dahil sa attempted murder

Jon-jon Reyes Jun 4, 2025
341 Views

INARESTO ng mga tauhan ng Moriones Police Station 2 ng Manila Police District ang isang 29-anyos na helper dahil sa kaso nitong Attempted Murder sa Building 3,Barangay 105,Tondo,Manila martes ng umaga,.

Nakilala ang suspek na si alyas Eljun, 29, tubong Masbate at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan,Station Commander ng MPD-Moriones Station 2,bandang 11:15 a.m. nang mamataan ang suspek. Agad itong inaresto at sinilbihan ng arrest warrant mgng a tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pamumuno ni Police Major Genesis Aliling.

Nabatid na ang akusado ay kabilang din sa talaan ng Top 1 Most wanted Person sa station level at nahaharap sa kasong attempted urmder. Ang warrant of arrest laban sa akusado ay inisyu ni Judge Maria Lourdes Mislang,ng Manila Regional Trial Court Branch 39 na may petsang June 4, 2025.

Inirekomenda ng korte ang pyansang P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusadon.