Nag-ahit, nakuryente, patay
Nov 24, 2024
3rd NLTEX ’24 ginanap sa La Union
Nov 24, 2024
Kabahayan sa Isla Puting Bato nasunog
Nov 24, 2024
Calendar
Health & Wellness
Herbosa irerekomenda pag-alis ng COVID-19 state of public health emergency
Peoples Taliba Editor
Jun 27, 2023
183
Views
IREREKOMENDA ni Health Secretary Ted Herbosa ang pag-alis ng COVID-19 state of public health emergency sa bansa.
Sinabi ni Herbosa na hindi na maituturing na isang emergency ang COVID-19 at nagagamot na gaya ng isang sakit.
Idineklara ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency noong 2020. Ayon sa Proclamation 922 mananatili ito hangga’t hindi inaalis ng Pangulo.
Noong Mayo ay sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health emergency ang COVID-19.