Mula bagyo, tropical depression na lang ‘Caloy’
May 10, 2026
Calendar
Source: FB post
Provincial
High grade marijuana na nagkakahalaga ng P16M nakumpiska sa Clark Freeport Zone
Zaida Delos Reyes
Aug 20, 2024
400
Views
MAHIGIT P16.1 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng Clark Freeport Zone sa Pampanga kamakailan.
Nakuha ng mga tauhan ng Clark Drug Interdiction Task Group ang 23 plastic bags ng high grade marijuana na tumitimbang ng 10.406 kilos at nagkakahalaga ng P16,168,900.
Nakalagay ang marijuana sa dalawang wooden crates at idineklarang ‘sofa’ o upuan mula sa Bangkok, Thailand.
Nang idaan sa x-ray ng Bureau of Customs, nadiskubreng may lamang marijuana ang mga ito.
Dinala ang kontrabanto sa laboratoryo ng PDEA para sa kaukulang pagsisiyasat.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang consignee na mula sa Hermosa , Bataan.
Nanghigop ng petrolyo huli sa San Pablo
May 10, 2026
Rape suspek natimbog
May 9, 2026
2 tulak laglag sa P350K na shabu
May 9, 2026
Kelot patay sa pamamaril
May 9, 2026
Kelot patay sa pamamaril
May 9, 2026
P6.8M shabu nakuha sa natiklong tulak
May 9, 2026
P2.6M medical equipment ibinigay sa Laguna
May 9, 2026

