Dimaporo

Hiling ng solon kay VP Sara: Atake ni PRRD kay PBBM pakalmahin

Mar Rodriguez Mar 14, 2024
147 Views

HINILING ni House Committee on Muslim Affairs chairperson at Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo kay Vice President Sara Duterte, bilang miyembro ng Gabinete, na tumulong upang mabawasan ang pag-atake ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Sa isang press conference, natanong si Dimaporo kaugnay ng pagdalo ni VP Sara sa prayer rally para sa Sonshine Media Network International (SMNI) na naging isang anti-Marcos rally.

“From what I heard and saw, VP Sara was among the crowd talking to the people. We don’t really know what her purpose is there,” ani Dimaporo.

“I would want to believe that her purpose is to at least neutralize the former president na huwag naman masyadong masipag ‘yung banat kay President Bongbong Marcos because she is still his Cabinet secretary for education,” dagdag pa nito.

Ngayong panahon ng Ramadan, sinabi ni Dimaporo na dapat ay kapayapaan ang mangibabaw at umasa na tutulong si VP Sara upang mapahupa ang pag-atake ng kanyang ama laban kay Pangulong Marcos.

“I hope that being his daughter, our former president, President Duterte will somewhat be, in a way, parang tapered down or like dialogue can open, because this hasn’t helped anybody. This is the holy month of Ramadan,” saad pa ng solon.

“And with regards to the prayer rally, is it an opposition, is it something to be worried about? Kami naman we’re from Mindanao so basta lang walang armas, walang crossfire, walang violence and you know there’s no harm,” sabi pa nito.

Naniniwala si Dimaporo na ang rally ay isang pagpapahayag ng demokrasya at kumpiyansa ito na wala itong magiging epekto sa popularidad ni Pangulong Marcos.

“At the end of the day, I strongly believe the majority of the Filipino people will rally with our President, President Bongbong Marcos, because he is doing the right thing,” saad ni Dimaporo.

Umapela naman si House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Francisco Paolo P. Ortega sa mga nagsasagawa ng rally na tumulong kay Pangulong Marcos.

“Minsan mellow, minsan mainit na, umiinit ng umiinit pero the personalities who are there should be the personalities who are first and foremost na dapat nandiyan na tutulong sa gobyerno para ayusin ‘yung mga problema natin,” sabi ni Ortega.

“Hindi yung dadagdagan pa ‘yung mga political tension. Mas marami pong malalaking problema ‘yung bansa kaysa sa mag-uumpisa tayo with political problems, political accusations. Yung mga hindi na po kailangan na sinasabi sa entablado, it will only agitate the public,” wika pa nito.

“I encourage them na tulungan natin ‘yung gobyerno natin. Tulungan natin si Presidente Bongbong Marcos kasi ang aga po ng pulitika. Tulungan po natin yung bansa,” dagdag pa ni Ortega.