BBM1

Hiling ni PBBM sa Vice Mayors League: Suportahan PDP

161 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) na suportahan ang Philippine Development Plan (PDP) 2023- 2028.

Ayon sa Pangulo nailatag na ng kanyang administrasyon ang mga estratehiya para sa PDP na naglalayong patatagin ang ekonomiya at iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“It is now upon us to solidify the groundwork upon which this transformation is based, and to make sure that it gains traction, especially at the local level,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga opisyal ng VMLP.

“So, I take this opportunity to rally your support behind our socio-economic plan and the Administration’s legislative priorities. To this day, our Vice Mayors are important instruments in our bureaucracy and in our delivery of services to the public,” sabi pa ng Pangulo.

Iginiit ng Pangulo na dapat maramdaman ng mga Pilipino ang mga programa at proyekto ng gobyerno sa kanya-kanyang lokalidad.

“Of course, LGUs are not alone in this exercise. Through strategic capacity-building efforts and partnerships with the national government and the private sector, these can be accomplished even in the short-term, well within our terms of office,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Muli ring binanggit ni Pangulong Marcos ang pagsuporta ng kanyang administrasyon sa pagpapalakas ng otonomiya ng mga lokal na pamahalaan.

“As I have consistently advocated, LGUs can be assured of this government’s support for effective and meaningful local autonomy,” sabi ng Punong Ehekutibo.

“Mas maganda ang takbo ng ekonomiya, mararamdaman natin ‘yan sa buhay ng bawat isang Pilipino. So, that is…how we see the relationship between the national government and the local governments especially the local legislatures which you all shared,” wika pa nito.