Ka Buchoy

Hinahamon ba ni Gng. Charito Plaza si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.?

Ka Buchoy Jul 4, 2022
343 Views

Ito ang tanong sa kabila ng malinaw ang unang utos ng kasalukuyang Pangulo na ibakante ang mga co-terminus na positions, kabilang na ang inuupuan ni Gng. Plaza.

Kung inyong matatandaan, si Gng. Plaza ay itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang Director General ng PEZA, ang Philippine Export Zone Authority. At bilang appointee ng dating pangulo, si Gng. Plaza ay co-terminus kay Digong. Sa makatuwid, naging bakanteang puesto ni Plaza noong bumaba sa tungkulin ang dating pangulo.

Malinaw na nakasaad sa. Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez para kay Presidente. BBM. na:

“all presidential appointees holding co-terminus appointments …are deemed separated from office effective noontime of June 30, the time when Marcos took oath as the country’s 17th president.”

Sa wikang Pilipino:

“lahat ng nanunungkulan sa ilalim ng Pangulo na ang taning ng panunungkulan ay hanggang sa katapusan ng noon ay nanunungkulang pangulo … ay itinuturing na tiwalag sa tungkulin mula tanghaling tapat. ng Hunyo 30 (2022), ang oras na nanumpa (si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.) bilang ika-17 na Pangulo ng Bayan.”

Ano pa ang dapat ipaliwanag? Si Gng. Plaza ay co-terminus. Hindi siya CESO (Career Executive). At hindi rin niya maaring gawing dahilan na. wala siyang kapalit ganoong may Deputy Director General na CESO na maaring pumalit sa kaniya.

Ano kaya ang batayan niya para kumapit ng parang tuko sa kaniyang tanggapan? Ano ang kaniyang batayan? Paki-sagot po Gng Plaza.

Dumako naman tayo sa mga bagong talagang oficial ni Presidente BBM.

Sa kabuuan, malugod at mainit na tinanggap ng madla, maging ng media at iba’t ibang sektor ng lipunan ang mga bagong-talagang pinuno ng mahahalagang tanggapan ng pamahalaan: ang economic team na magpapatakbo ng economia, pananalapi at kalakal. Ganoon din sa DOJ, DILG, Labor, OIC ng DND atbp. Kamakailan din ay nanumpa na rin ang bagong kalihim ng DFA na siyang mamumuno sa ugnayang panlabas.

Sa kabilang dako naman, hindi pa rin tinatalaga ang Kalihim ng Kalusugan o DOH. Ito’y isang palaisipan ganoong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Sa ganang akin hindi tayo kinukulang ng magagaling na candidato para sa puesto ng Kalihim. Kung ganon, ano pa kaya ang ibang consideracion?

Balikan naman natin ang talumpati ni Pangulong BBM kung saan ay particular niyang binanggit ang nangyaring mga “pagkukulang” sa naging tugon ng pamahalaan sa pandemya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang naging investigacion sa Senado kaugnay sa pagbili ng mga kagamitan panglaban sa Covid? May kinalaman kaya ito sa tagal ng pagpili sa Kalihim ng DOH? Ganun pa man, sana’y matalaga na sa lalong madaling panahon ang Kalihim ng DOH.

Maraming mabibigat na suliranin ang nakaabang sa kung sino man ang mamumuno sa DOH: ang pandemya, ang lumolobong utang ng Philhealth sa nga pribadong pagamutan, ang kalagayang pangkabuhayan ng mga health workers. tulad ng nurse at midwife, ang pagpapatupad ng Universal Health Care, na ang lahat ng ito any pinangakong pagtutuunan ng masigasig na pansin ng bagong. administracion.

Abangan! Hanggang dito na lamang po mga higala, mga paisano, mga. abang at kabayan. Amping ta kanunay!