BBM Nagpakawala ng mga kalapati si UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong‘ Marcos Jr. mago magsimula ang kanyang speech sa harap ng libu-libong supporters sa grand campaign rally sa Catbalogan Citu, Samar. Kuha ni VER NOVENO

Hindi kasalanan ang pagsuporta kay BBM—Samar Rep. Ong

259 Views

HINDI umano dapat matakot ang mga sumusuporta kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil hindi naman ito kasalanan.

Ito ang sinabi ni Northern Samar Rep. Jose Ong Jr. sa mga sumusuporta kay Marcos pero takot na lumabas dahil sa pangamba na sila ay ma-bash.

“’Wag niyong itago na sinusuportahan ninyo si BBM, ‘wag kayong matakot na ipakita ito. Dapat maging proud kayo. It is not a sin to support BBM,” sabi ni Ong sa campaign rally ng UniTeam sa Catarman, Samar.

Kahit na malakas ang ulan ay dumagsa ang libu-libong tagasuporta nina Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa rally na ginawa sa tapat ng University of Eastern Philippines Grandstand.

Matiyagang naghintay ang mga tao sa pagdating ni Marcos at ng iba pang kandidato ng UniTeam.