Tess

Hindi lang nananalo, may dahilan kung bakit nananalo

43 Views

SA dami ng kandidato kada eleksyon, napapaisip ka rin kung ano nga ba talaga ang tumatama sa mga botante. Minsan kasi y’ung akala mong underdog pa ang nakakalusot.

Katulad nitong nakaraang halalan — may mga personalidad na kahit tahimik, tila kinapitan pa rin ng masa. May mga nanalo na hindi nag-trending, hindi araw-araw nasa balita, pero may appeal pala sa masa.

Dito pumapasok ang obserbasyon ni Senator Alan Peter Cayetano sa interview niya kay Boy Abunda nitong nakaraan. Hindi lang raw ito simpleng popularity contest. Ayon sa kanya, kung iisipin mo ang kampanya parang marketing — may produkto, may benta, at may target market. Pero higit sa lahat, may “timing” at may emosyon.

Hindi na nakakagulat ang malalim na pananaw ni Cayetano sa ganitong usapan. Sa tagal niya sa mundo ng pulitika, bihasa na ito sa ganitong pagsusuri.

Sa dulo, napatunayan ng nagdaang eleksyon na hindi showbiz ang pulitika — pa-cute, pa-pogi, pa-viral — dahil ang hinahanap na ngayon ng mga tao ay yung nakikinig, yung present, at yung may paninindigan kahit walang camera.