Calendar
Hindi niyo kami hawak sa leeg at hindi niyo kami alipin! — Barbers
HINDI NIYO kami hawak sa leeg. Kaya huwag niyo kaming tratuhin na parang alipin niyo kami at kayo ang aming panginoon!”.
Ito ang matigas na pahayag at paninindigan ng Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace “Alas” S. Barbers patungkol sa panibagong panggigipit ng China sa Pilipinas matapos nilang batikusuin si President Bongbong Marcos, Jr.
Sinabi ni Barbers na wala siyang nakikitang masama o mali sa ginawang pagbati ni Pangulong Marcos, Jr. sa bagong halal na lider ng Taiwan na si President Lai Ching-Te na tinitignan naman ng China bilang negatbong aspeto. Kung kaya’t binatikos ng China ang Punong Ehekutibo dahil dito.
Dahil dito, binigyang diin ni Barbers na walang karapatan ang China na sindakin, supilin ang kalayaan ng Pilipinas at umastang hawak nito sa leeg o kontrolado nila ang mga Pilipino dahil mistulang binubusalan nila ang bibig ng mga Pinoy dahil sa ginawa nilang pagbatikos sa Pangulong Marcos, Jr.
“Hindi pa man eh’ umaarte na kayo ang may-ari ng Pilipinas. Pati ba naman mga bibig naming ay gusto niyong i-water cannon? Kahit katiting na sobereniya ay wala kayong karapatan dito sa Pilipinas dahil patin ang karapatan naming magpahayag ng aming saloobin ay pinakiki-alaman niyo pa,” sabi ni Barbers.
Iginigiit pa ni Barbers na patuloy na maninindigan ang pamahalaan ng Pilipinas para ipagtanggol at panatilihin ang sobereniya nito sa gitna ng patuloy na panggigipit o harassment ng China sa mga Pilipinong nakatalaga sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng pangbo-bomba ng water cannon.
“Make no mistake about it. We will fight to keep our freedom, independence and our rights as a sovereign nation. Whoever threatens our free existence we shall fight and resist to the last man. We are not your subjects and our country is not a vassal state that owes allegiance to China,” pagdidiin pa ni Barbers.
Kaugnay nito, Dahil dito, dinepensahan ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang Pangulong Marcos, Jr. sa pagsasabing walang mali sa ginawang pagbati ng Pangulo kay Ching-Te matapos itong maluklok bilang Presidente ng Taiwan bilang bahagi ng “diplomatic process”.
Ikinatuwiran ni Valeriano na ginampanan lamang ni Marcos, Jr. ang kaniyang obligasyon bilang isang Head of State sa pamamagitan ng pagsunod sa tinatawag na “diplomatic principles” at commitment ng bansa upang itaguyod ang positibong pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa.