Artes

Hirit ng MMDA: Mas maagang pasok sa tanggapan ng gobyerno

Edd Reyes Apr 12, 2022
227 Views

UPANG mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko, iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Council (MMDA) na gawing mas maaga ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region.

Sinabi ni MMDA chairman Don Artes na mababawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila kung ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ay alas-7 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

Mayroon din umanong mungkahi na gawing 4 na araw kada linggo na tig-10 oras ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Civil Service Commission kaugnay ng mga mungkahing ito.