Marbil: Misyon ng PNP sa Halalan 2025 tagumpay
May 16, 2025
Vargas panalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Calendar

Nation
Hirit ni Widodo: Anti-submarine warfare aircraft bilhin ng PH
Chona Yu
Jan 10, 2024
240
Views
HUMIHIRIT si Indonesian President Joko Widodo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportahanan ang pagbili ng Philippine Navy ng anti-submarine warfare aircraft sa Indonesia.
Ginawa ni Widodo ang pahayag sa bilateral meeting kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.
Hindi naman tinukoy ni Widodo kung anong modelo ng aircraft ang inilalako ng Indonesia sa Pilipinas.
Aminado naman si President Widodo na marami pang kailangang mapahusay sa kooperasyon ng Indonesia at Piliinas tulad ng border crossing at border patrol agreement.
Wala pa namang tugon ang Malakanyang sa alok ni Widodo.
Marbil: Misyon ng PNP sa Halalan 2025 tagumpay
May 16, 2025
Isko nangakong lilinisin ang Manila
May 15, 2025