BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar
Metro
Holdaper ng sari-sari store kalaboso
Peoples Taliba Editor
Apr 14, 2023
228
Views
ISANG 27-anyos na lalaki ang inaresto matapos umanong mangholdap ng sari-sari store sa Quezon City.
Ang suspek na si Gabriel Tria, residente ng Brgy. San Isidro, Taytay Rizal ay nahaharap sa kasong robbery holdup.
Nagbabantay umano ng tindahan ang biktimang si Marites Gambala, 48, at ng Brgy. Greater Fairview, Quezon City, nang dumating ang suspek na walang saplot na pang-itaas at nanghingi ng tubig alas-2 ng umaga noong Abril 14.
Nang matiyak umano ng suspek na nag-iisa ang biktima ay naglabas ito ng patalim. Kinuha umano nu Tria ang laptop ng biktima.
Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nabawi sa kanya ang laptop at ang patalim na ginamit sa krimen.
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Nanggulo habang may bakal, arestado
Feb 23, 2025
Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025