Holdup

Holdup-patay suspek nasakote sa Makati

Edd Reyes Sep 19, 2024
6 Views

TIKLO ang pinaghihinalaang holdaper na bumaril at nakapatay sa isang Koreano na biktima niya nang bumalik sa crime scene noong Huwebes sa Makati City.

Malaki ang hinala ng pulisya na naghahanap muli ng mabibiktima ang suspek na si alyas Raffy, 35, nang mamataan ng testigo dakong alas-12:40 ng madaling araw na umaaligid sa Arsonvel St., Brgy. San Isidro.

Doon niya hinoldap at pinaslang ang biktimang si Minchurl Kim noong Setyembre 11, 2024.

Nahuli ang suspek ng sabihin ng isang testigo sa Poblacion police sub-station na nakita niya sa suspek sa naturang lugar.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .9mm pistol at walong bala na isasailalim sa ballistic examination at cross-matching.

Ipiprisinta ng mga pulis sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspek para isailalim sa inquest proceedings kaugnay sa haharaping kasong robbery with homicide at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).