House Appropriations Committee Vice chairman Jil D. Bongalon ng Ako Bicol Partylist

109 Views

Jil D. BongalonMga walang basehang pahayag ni VP Sara vs PBBM admin inulan ng kritisismo

UMANI ng kritisismo mula sa mga mambabatas ang mga walang basehang pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa administrasyong Marcos.

Ayon kay House Appropriations Committee Vice chairman Jil D. Bongalon ng Ako Bicol Partylist kung mali ang ginawang paggamit ng pondo ng Department of Education (DepEd) dapat ay nagsalita ito noong siya pa ang kalihim ng ahensya.

“If there were indeed budget issues, why raise them only now? It’s easy to blame others, but real leadership is about finding solutions and taking responsibility,” ani Bongalon.

Sinabi ni Bongalon na sa pagdinig ng Appropriations Committee sa budget ng DepEd hindi si VP Sara ang sumasagot ng mga mahahalagang tanong kundi ang pinasasagot nito ay ang kanyang mga undersecretaries.

“You were in charge, yet all we heard were statements from your undersecretaries. It seems like you were disconnected from the actual operations of DepEd.”

Ipinaalala rin ni Bongalan na sa ilalim ng pamamahala ni VP Duterte ay nakapagtala ng poor performance ang Pilipinas sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sinabi naman ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na kung totoo na mayroong mga problema sa DepEd sana ay tinugunan ito ni VP Duterte na dalawang taong naging kalihim ng ahensya.

“If there were problems, they likely came from a lack of direction and a poor system of implementation,” ani Garin “Fingerpointing and blaming others will bring us nowhere. Leadership is all about being captain of the ship.”

Sinabi ni Garin na lumabas sa imbestigasyon ng Kamara na bilyun-bilyong halaga ng libro at mga gamit sa eskuwelahan ang nakatambak sa warehouse at hindi naipamigay sa mga paaralan.

Hindi naman naniniwala si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na totoong mayroong malasakit si VP Duterte sa sektor ng edukasyon at tinangkang itama ang maling prayoridad sa pondo nito.

“Saan banda?! Ang ginawa lang nya ay humingi ng confidential funds gamit ang DepEd na di naman nito mandato at hanggang ngayon ay di pa din maayos na naipapaliwanag. Wala din syang ginawa para itaas ang budget ng DepEd sa UN standards o katumbas ng 6% ng GDP ng bansa,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na nagpapalusot na lamang si Duterte sa kanyang pagre-resign sa DepEd at ang tunay na dahilan ng kanyang pagmamaktol ay hindi nito nakuha ang kanyang gusto.

Biyahe
Duda naman si Manila Rep. Joel Chua na naglalabas ng mga kritisismo si VP Duterte upang pagtakpan ang kanyang pagbabakasyon sa Germany habang ang Pilipinas ay sinasalanta ng bagyong Carina.

“Well, tingin ko, itong banat po niya recently kay Pangulo, it’s a one way of… parang nililihis lang niya iyong issue para mapagtakpan po iyong totoong issue kasi po noong kasagsagan po noong bagyo, papalipad po siya, papunta po siyang Germany,” ani Chua.

Iginiit din ni Chua ang kahalagahan na damayan ng mga opisyal ng bansa ang mga nasalanta upang maramdaman ng mga ito na hindi sila pinabayaan.

’So, apparently, habang nakalubog po iyong Metro Manila at marami po sa mga kababayan natin ang nasa ilalim ‘di ba noong bagyo – binabaha, sinasalanta – ang atin pong Pangulo’y umiikot pero ang atin pong Bise Presidente ay nasa abroad kasama po ang kaniyang pamilya. Kaya sa tingin ko po, ito’y one way of diverting only the issue,” ani Chua.

Nilinaw naman ni Chua na hindi nito sinasabi na huwag bumiyahe si VP Duterte sa ibang bansa

Bukod sa pagbiyahe sa Germany, hinamon naman nina Zambales Rep. Jay Khonghun at La Union Rep. Paolo Ortega V si VP Duterte ang mga isyu ng P125 milyong confidential funds na naubos nito sa loob ng 11 araw at ang extrajudicial killings sa Davao City kung saan ito dating mayor bago kung anu-anong kritisismo ang sabihin nito.

WPS
Pinuna rin ni Chua ang sinasabi ni VP Duterte na dali-daling pagyuko ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa at sumusunod sa kagustuhan at pangingialam ng mga banyaga samantalang ito umano ay nananahimik sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

“Well, actually iyon nga rin iyong kinagulat ko, dahil ang isa po sa batikos niya sa ating Pangulo ay iyong sa mga foreign … pakike-alaman daw ng dayuhan—ang alam ko lamang po na isyu ngayon sa atin na may foreign… is iyong China,” ani Chua.

Baha
Nagtataka naman si Senate President Chiz Escudero kung bakit kinukuwestyon ni VP Duterte ang flood control program ng administrasyong Marcos na dalawang taon pa lamang naka-upo samantalang hindi ito nagawa ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na anim na taong umupo sa Malacañang.

“Matagal nang problema ang pagbabaha sa bansa; kung meron kasing nagawa na o nasimulan man lang po noon, eh di meron a po sana tayong napatupad na ngayon,” ani Escudero.

Sinabi naman ni Escudero na hindi na nakakagulat ang naging mga pahayag ni VP Duterte matapos itong magbitiw bilang kalihim ng DepEd.

Ganito rin ang punto ni Taguig 2nd District Rep. Pammy Zamora. “On flood control, let’s not forget that the Dutertes were in full control for 6 years. How can they be sidelined for crucial infra projects? On the matter of her security entourage, the PNP Chief has said she still retains almost 390 security personnel. I doubt anyone would still find that inadequate.”

Nauna rito, lumabas ang mga ulat kaugnay ng P51 bilyon ang pondo na napunta sa distrito ni Davao City Rep. Paulo Duterte, kapatid ni VP Duterte sa loob lamang ng tatlong taon nito sa puwesto kaya marami ang nagrereklamo kung saan napunta ang pondo matapos na lumubog sa baha ang siyudad.

Sinabi ni Chua na nakakasira sa imahe ng bansa ang mga walang basehang kritisismo ni VP Duterte sa Pangulo lalo at kailangan ng mga dayuhang mamumuhunan ng bansa para dumami ang mapapasukang trabaho.

Ikinumpara naman ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. si VP Duterte kay dating Vice President Leni Robredo na tahimik lamang umanong nagtatrabaho kahit na hindi sinusuportahan ni dating Pangulong Duterte.

“Vice President Duterte’s pronouncements against the present administration are both alarming and puzzling. It is unfortunate that instead of quietly working through challenges as her predecessor did, she has chosen to publicly criticize and accuse the government of bullying her family. Former Vice President Leni Robredo, despite facing significant budgetary constraints, continued to work quietly and effectively. She never demanded excessive security nor made a spectacle of her struggles,” ani Bordado.

Kahit na maasim na umano ang relasyon ng Marcos at Duterte, sinabi ni Bordado na nakuha pa rin ni VP Duterte ang P2.4 bilyong pondo na hiningi nito ngayong taon.

Posible naman umano na mayroong maling prayoridad sa paggastos ang tanggapan ni VP Duterte na kumuha ng 433 security detail na pinapasuweldo ng nasa P50,000 kada buwan.