Calendar
House Bill No. 8446 ni Speaker Romualdez suportado ni Dy
SINUSUPORTAHAN ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V ang panukalang batas na pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara de Representantes na para sa paggamit ng “natural gas” bilang kapalit ng coal sa pagkakaroon ng supply ng kurente.
Sinabi ni Dy na malaki aniya ang maitutulong ng House Bill No. 8446 o mas kilala bilang Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act para magkaroon ng malawakang paggamit ng mas malinis at ligtas na natural gas sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Dy na napapanahon ang pagkakapasa ng nasabing panukalang batas upang maibsan nito ang matinding epekto na maaaring idulot ng climate change kabilang na dito ang peligrosong paggamit ng coal sa supply ng kuryente.
Ang House Bill No. 8446 ay inakda ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na inaprubahan naman kamakailan ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng 215 votes mula sa mga kongresista.