barbers

House Committee on Dangerous Drugs muling pinapurihan PDEA

Mar Rodriguez Oct 25, 2023
167 Views

Dahil sa pagbaba sa 52% ng fatalities sa bloodless war on drugs ng administrasyong PBBM

MULING pinapurihan ng House Committee on Dangerous Drugs ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng “52% substantial drop” o pabagsak sa bilang ng mga “fatalities” o mga napatay kaugnay sa “bloodless war” ng pamahalaan laban sa paglaganap ng illegal na droga.

Sinabi ng Chairman ng Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong Robert Ace S. Barbers na kahanga-hanga ang ipinakita ng PDEA dahil hindi na aniya masama ang 52% significant drop ng mga napatay sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

Bukod kay Barbers, pinapurihan din ng liderato ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang PDEA matapos nitong ipahayag na isang “job well done” ang matagumpay na kampanya ng PDEA dahil sa “bloodless anti-illegal drug campaign”.

“The House leadership under Speaker Martin Romualdez commends PDEA for a job well done in the successful bloodless anti-illegal drug campaign. Your exceptional performance, outstanding efforts and unwavering dedication to excellence have not gone unnoticed,” ayon kay Barbers.

Sinabi pa ni Barbers na kailangang ipagpatuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng illegal na droga subalit ito’y kailangan lamang tiyakin na ang estratehiyang gagamitin ay makatao at hindi makakamatay upang maiwasan ang madugong engkuwentro.

“We have to continue strategies in the war on drugs that are just, humane and without too much harm. Let us avoid unnecessary loss of life and suffering because of violence. We are looking forward to witnessing law enforcement agencies led by PDEA achieve even greater milestones,” sabi pa ni Barbers.