Valeriano

House Committee on Metro Manila Development, suportado ang No Plate, No Travel policy ng LTO

Mar Rodriguez Jun 18, 2024
86 Views

Valeriano1Valeriano2𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗟𝗧𝗢) 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 “𝗡𝗼 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗲, 𝗡𝗼 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗿𝘆𝗰𝗶𝗰𝗹𝗲 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝗺𝗶𝗯𝗶𝘆𝗮𝗵𝗲 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Ayon kay Valeriano, pinapupurihan nito ang naging pagkilos ng LTO para matugunan ang paglaganap ng mga kolorum na tricycle.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na mahigpit din na ipinatutupad ng LTO ang nasabing patakaran para matugunan ng ahensiya ang tinatayang nasa 3,000 backlog sa plaka ng mga pumapasadang tricycle.

Sabi ni Valeriano, tinutugunan lamang ng LTO ang ibinabang kautusan ng Department of Transportation (DOTr) para agarang ipamahagi ang lahat ng plaka sa mga motorista at tricycle drivers partikular na sa Quezon City.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na ang pagpapatupad ng nasabing polisiya ay naglalayon din na magkaroon ng “road safety” hindi lamang para sa mga motorista kundi maging sa mga pasahero.

Inihayag ni Valeriano ang matagumpay na paglulunsad ng programang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na naglalayong matulungan ang kaniyang mga kababayan na kakarampot lamang ang kinikita sa gitna ng kahirapan.

Pinasalamatan din ni Valeriano si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa suportang ipinagkaloob nila para maisakatuparan sa Maynila ang AKAP program.

Dagdag pa ni Valeriano, tinatayang mahigit sa 3,000 benepisyaryo ang nakinabang sa AKAP program sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong pinansiyal partikular na sa kaniyang Distrito at inaasahan din nito na hindi dito magtatapos ang nasabing program kundi sa darating na hinaharap.