1pacman

House Committee on Poverty Alleviation puspusan mga hearing

Mar Rodriguez Aug 18, 2023
336 Views

1PACMAN 1PACMAN 1PACMAN 1PACMANPUSPUSAN at dibdiban ang pagta-trabaho ngayon ng House Committee on Poverty Alleviation na pinamumunuan ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., kaugnay sa mga isinagawa nitong committee hearing para talakayin ang mga nakahaing panukalang batas.

Ito ang nabatid kay Romero na wala silang sinasayang na sandali bagkos ay todo kayod para maipasa sa committee level ang mga naka-pending na panukalang batas para maisalang na ang mga ito sa plenaryo.

Sinabi ni Romero na kabilang sa mga panukalang batas na nakasalang at tinalakay nila ay ang House Bill No. 7410.

Ipinaliwanag ng kongresista na layunin ng nasabing panukalang batas na atasan o bigyan ng mandato ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lumikha ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Regional Program Management Office kaugnay sa implementasyon ng RA No. 1130.

Nauna rito, ikinagalak ni Romero ang pagkakaapruba ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na nagpapatibay o nagpapa-ibayo sa sa national nutrition program para sa mga senior citizen na nakapaloob sa House Bill No. 8461 nagbibigay ng mandato sa National Nutrition Council (NNC) at Department of Health (DOH) para sa pagsusulong ng nasabing programa.

Ipinaliwanag ni Romero na nakapaloob sa mandato ang gagawing paghahanda ng NNC, DOH at LGUs ng isang nutrition and wellness program na magsisilbing gabay o giya ng mga senior citizens para sa kanilang “nutrition balanced meal” na naglalayong maiwasan at malabanan nila ang malnutrition.

Inilabas na rin ng Komite ang kanilang Committee Report patungkol sa consolidated bill na House Bill Nos. 4372, 6813, 8040 at House Resolution No. 184 na nagpapatibay naman sa beneficiary identification and targeting mechanism na isasama sa Food and Nutrition Grant na aamiyenda sa RA No. 11310.