Romero

House Committee on Poverty  Alleviation umapela sa DSWD

Mar Rodriguez Aug 22, 2023
307 Views

Romero1Romero2Kaugnay sa pagkakatanggap ng 1.3 benepisyaryo ng 4Ps

NANANAWAGAN ang House Committee on Poverty Alleviation sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang suspendihin ang pagtatanggal nito sa 1.3 million mahihirap na pamilya mula sa listahan ng mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinabi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na napagkasunduan ng mga miyembro ng kaniyang Komite na ipanawagan sa DSWD na suspendihin ang pagkakatanggal o delisting ng mga nasabing benepisyaryo.

Kasunod nito, ipinaliwanag pa ni Romero na umaapela din sila sa DSWD upang masusi nitong pag-aralan at suriin ang sitwasyon ng 1.3 mahihirap na pamilya na inalis nila sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps program.

Ayon sa kongresista, kailangang iakma sa realidad ang pamantayan ng DSWD sapagkat ang nabanggit na buwanang kita ay hindi sapat sa pangtustos para sa pagkain ng isang buong pamilya.

Idinagdag pa ni Romero na sa kasalukuyan ay ay nasa 3.9 million ang pamilyang benepisyaryo ng 4Ps program at sa nasabing bilang ay 3.2 million pamilya ang aktibong tumatanggap ng ayuda.

Habang ang 700,000 pamilya ay sumasailalim para sa review o assessment ng DSWD.

Binigyang diin pa ni Romero na sinusuportahan aniya ng Committee on Poverty Alleviation ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan para marami pang mahihirap na pamilyang Pilipino ang matulungan ng 4Ps program sa pamamagitan ng pagkakaloob ng monthly financial subsidy.

“We are all for that, but let us make sure that the existing families have really improved their financial status and some of their children have finished college and now are employed,” ayon kay Romero.

Ipinabatid din ni Romero na ilan sa mga miyembro ng House Committee on Poverty Alleviation ang nagpa-abot din ng labis na kagalakanan matapos makarating sa kanilang kaalaman na kabilang sa mga beneficiaries na pamilya na sakop ng 4Ps program ang nakakuha na ng kanilang college degree.