Madrona

House Committee on Tourism humanga sa magandang performance ni Sec. Frasco

Mar Rodriguez Aug 31, 2024
170 Views

Madrona1“𝗝𝗒𝗕 π˜„π—²π—Ήπ—Ή 𝗱𝗼𝗻𝗲”.

Ito ang mensahe ng chairperson ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona para kay Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa napakagandang performance na ginagawa nito sa naturang ahensiya.

Ang pahayag ng kongresista para kay Sec. Frasco ay alinsunod sa ginawang pagharap ng Kalihim sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng Tourism Department.

Ibinida ni Sec. Frasco ang mga naging achievements ng DOT sa nakalipas na panahon partikular na noong 2023.

Ayon kay Madrona, inilatag ni Frasco sa budget hearing ang mga tagumpay ng DOT. Isa dito ay nang maabot ng Philippine tourism ang pinaka-tugatog o ang tinawag nitong “unprecedented heights” noong 2023 dahil sa record breaking performance ng nasabing ahensiya.

Ipinaliwanag ni Madrona na kabilang sa mga tinatawag na “record breaking performance” ng DOT ay nang higitan pa nito ang inaasahang tourism revenue. Ang ibig sabihin aniya napakalaking ganansiya ang kinita ng gobyerno mula sektor ng turismo na nagbigay naman ng napakalaking ambag sa national economy ng bansa.

Sabi pa ni Madrona na sa pamamagitan ng mga achievements na ito, maaari ng masabi na unti-unti na talagang nakakabangon ang Philippine tourism mula sa pagkakalugi nito noong panahon ng pandemiya kung saan bagksak ang lahat ng negosyo sa sektor ng turismo.

Kasabay nito, personal na nagtungo sa tanggapan ng kongresista si Department of Health (DOH) – MIMAROPA Regional Director Mario S. Baquilod kasama sina Oscar Macam at Engr. Ian Carlota para pag-usapan ang mga programa ng DOH para sa 2025.

Ayon sa mambabatas, ang ilan sa kanilang tinalakay ay ang alokasyon para sa mga infrastructure projects at paglalaan ng mga medical equipments para sa Romblon Provincial Hospital (RPH) kasama na dito ang Rural Health Units (RHUs) sa Romblon.