Madrona

House Committee on Tourism ikinagalak ang pagkakasa sa second reading ng mga panukalang batas kaugnay sa iba’t-ibang tourist destinations

Mar Rodriguez Feb 8, 2023
198 Views

IKINAGALAK ng House Committee on Tourism ang pagkakapasa para sa ikalawang pagbasa ng mga panukalang batas na inihain ng iba’t-ibang kongresista na naglalayong maideklara bilang tourist destination ang mga makasaysayang lugar sa kani-kanilang lalawigan.

Dahil dito, nagpasalamat si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Komite, kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa suportang ibinigay nito para makapasa sa second reading ng Kongreso ang mga nasabing panukalang batas.

Sinabi ni Madrona na ang mga panukalang batas kaugnay sa pagde-deklara bilang isang tourist destination sa iba’t-ibang simboliko at makasaysayang lugar sa Pilipinas ay malaki ang maitutulong para sa naghihingalong turismo ng bansa upang muli itong pasiglahin.

Aminado si Madrona na isang malaking dagok para sa Philippine tourism ang nangyaring pamumuksa ng COVID-19 pandemic. Sapagkat ang isa sa mga lubhang naapektuhan nito ay ang turismo ng bansa dahil sa mga ipinatupad na “lockdown” at health protocols.

Nainiwala si Madrona na sakaling tuluyan ng maisabatas ang mga nakahaing panukalang batas. Malaki ang maitutulong ng mga ito para muling sumikad at sumigla ang turismo ng Pilipinas. Partikular na aniya sa mga makasaysayang lalawigan tulad ng Palawan, Bohol at Cebu.

Ipinaliwanag din ng kongresista na kabilang sa mga isinulong na panukalang batas ay hindi lamang naglalayong idekalara bilang isang tourist destination ang isang partikular na lalawigan. Kundi ay naglalayon din na maisa-ayos ang daan patungo sa isang tourist destination.

Ayon kay Madrona, kabilang sa mga panukalang batas na pumasa sa ikalawang pagbasa ay ang House Bill No. 6368 na ang layunin ay maideklara ang Sikit It Elepante Rock Formation na matatagpuan sa Baragay Labnigsa lalawigan ng Romblon bilang isang tourist site.

Sinabi pa ng beteranong mambabatas na napakaraming tourist destination na matatagpuan sa Pilipinas subalit bibihira itong matuklasan. Kung kaya’t napakahalaga aniya na magkaroong ng mga ganitong panukalang batas upang ma-explore ang mga nakatagong tourist destinations ng bansa.