Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona

House Committee on Tourism ikinagalak binalangkas na kasunduan ng Pilipinas, Brunei

Mar Rodriguez Jun 4, 2024
181 Views

Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. MadronaIKINAGALAK ng chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang binuong collaboration sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam para sa pagpapalakas ng turismo ng dalawang bansa sa pamamagitan ng binalangkas na kasunduan.

Si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang kumatawan para sa Pilipinas matapos ang ginanap na pirmahan ng tinatawag na “momentous agreement” na naglalayong mas lalo pang mapalakas sa pamamagitan ng promotion ng turismo ng Pilipinas at Brunei.

Kaugnay nito, sinabi ni Madrona na malayo ang mararating ng binuong “mutual cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa sapagkat kapwa makikinabang ang Pilipinas at Brunei sa pagsusulong at promotion ng kanilang turismo na inaasahang maghahatid ng malaking ganansiya sa kanilang eknomiya.

Ayon kay Madrona, ang ginanap na official signing ng “cooperation agreement” ay isa sa mga tinaguriang “highlights” ng State Visit ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kamakailan sa Brunei Darussalam para sa pagbubuo ng collaboration ng dalawang bansa mula sa Southeast Asia.

Idinagdag pa ni Madrona na sinelyuhan ang tinaguriang “landmark agreement” sa pagitan ng Pilipinas na kinakatawan ng Tourism Department at sa panig naman ng Brunei Darussalam Minister of Primary Resources and Tourism Dato Seri Setia na si Dr Haji Abdul Manaf BinHaji Metussin.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na ang pangunahing layunin o objective ng binalangakas na agreement ay upang mas lalo pang mapalakas ang tourist arrivals ng Pilipinas at Brunei Darussalam sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga dayuhang turista na bumisita sa dalawang bansa.

Samantala, pinangunahan ni Madrona ang turnover ceremony ng mga “body-camera” sa Barangay Dapawan, Odiongan para sa Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC). Inaasahan naman malaki ang maitutulong ng nasabing kagamitan para sa pagpapatupad ng tungkulin ng RPMFC.