Calendar
Travel & Leisure
House Committee on Tourism nagbigay pugay din sa malaking ambag ni PBBM sa Philippine tourism
Mar Rodriguez
Jun 30, 2023
144
Views
NAGBIGAY pugay din ang House Committee on Tourism para sa malaking kontribusyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa Philippine tourism kasunod ng ibinigay na pagpupugay at pagkilala ng Department of Tourism (DOT) para sa Punong Ehekutibo.
Kasabay ng naging pagdiriwang ng Department of Tourism (DOT) ng ika-50th Anniversary nito, kinilala din ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairperson ng Committee on Tourism sa Kamara, ang malaking kontribusyon ng Pangulo para muling sumigla ang turismo ng bansa.
Sinabi ni Madrona na mula ng maupo ang Pangulong Marcos, Jr. noong nakaraang taon bilang ika-17th Presidente. Napakalaki aniya ang inunlad ng Philippine tourism sa kabila ng nararanasan parin ng bansa ang lupit at bangis ng COVID-19 pandemic na nagpaluhod at gumupo sa turismo ng Pilipinas.
Muling ipinaalala ni Congressman Madrona na sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, Jr. Binigyang diin nito na ang Philippine tourism ang isa sa mga itinuturing na “economic driver” ng pamahalaan na magbibigay ng maraming oportunidad sa mga Pilipino.
Ayon kay Madrona, dahil sa malaking kontribusyon at suporta ni Pangulong Marcos, Jr. sa turismo ng Pilipinas. Napakaraming opportunities aniya ang nagbukas na lalong nagpa-sigla sa turismo ng bansa. Kabilang dito ang muling pagsigla ng mga negosyo tulad ng mga tourist destinations at beach resorts.
Binigyang diin pa ng kongresista na napakahusay din ang naging pagpili ng Pangulo kay Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco para pamunuan ang ahensiya sapagkat mula din ng manungkulan si Frasco ay napakalaki din ang nai-ambag nito para muling sumigla ang dating matamlay ng Philippine tourism.
Tiniyak din ni Madrona na bilang Chairman ng House Committee on Tourism. Mananatili aniya ang kaniyang suporta para sa DOT upang mas lalo pang mapasigla ang turismo ng bansa at makapagbigay ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng maraming trabaho at kabuhayan.
Sec. Frasco mainit na tinanggap NAITAS officials
Nov 14, 2024
Frasco pinakita puso ng PH sa WTM London
Nov 6, 2024
DOT, TPB may delegasyon sa WTM sa London
Nov 1, 2024