House Commitee on tourism

House Committee on Tourism pinapurihan DOT dahil sa kinitang P72B sa 2023 dive tourism

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
149 Views

Sec. Maria Christina Garcia FrascoIKINAGALAK ng House Committee on Tourism ang pagdaraos muli ng Department of Tourism (DOT) ng Philippine International Dive Expo (PHIDEX) 2024 sa World Trade Center Metro Manila (WTCMM) matapos nakalikom ang “dive tourism” ng P72 billion noong nakaraang taon (2023).

Pinapurihan din ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism sa Kamara, si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa matagumpay na pagdaraos ng PHIDEX na nagpo-promote ng dive tourism ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Madrona na kahanga-hanga ang mga inisyatiba ng DOT para maisulong ang Philippine tourism dahil hindi lamang ang mga magagandang tanawin ang pino-promote ng ahensiya. Bagkos, maging ang 500 species ng mga corals at 2,000 species ng iba’t-ibang mga isda.

Ayon kay Madrona, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng PHIDEX noong 2023 at ngayong taon, makikita ang potensiyal ng “dive tourism” bilang “revenue generating initiative” na maaaring pagkuhanan ng napakaling gansiya mula sa mga foreign at local tourist na lalahok sa nasabong okasyon.

Dahil dito, naniniwala ang kongresista na maituturing na isang “treasure chest” ang PHIDEX o ang padaraos ng dive tourism dahil hindi lamang nito pino-promote ang yamang dagat ng Pilipinas. Bagkos, potensiyal na pagkukuhanan ng malaking gansiya na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.

Nauna rito, ikinagalak ni Madrona ang pagho-host ng Tourism Department ng PHIDEX na inaasahang magbibigay ng magandang oportunidad para ma-explore ng mga dayuhang turista ang mayamang karagatan ng Pilipinas.