Madrona

House Committee on Tourism pinapurihan matagumpay na ASEAN Tourism Awards

Mar Rodriguez Feb 3, 2024
97 Views

Madrona1PINAPURIHAN ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang naging tagumpay ng katatapos pa lamang na ASEAN Tourism Awards.

Ayon kay Madrona, nagbibigay pugay din siya kay Department of Tourism (DOT) Sec. maria Christina Gaecia Frasco sapagkat kung anoman ang ibinunga ng matagumpay na Asian Tourism Aawards ay dahil narin sa patuloy na pagsisikap at pagpupunyagi ni Frasco na lalo pang pagbutihin ang Philippine tourism.

Sinabi ni Madrona na sa ginananap na ATA sa Vientianne, Laos. Kung saan, nagkaroon din ng ASEAN Tourism Forum (ATF) 2024. Kinilala aniya dito ang 21 outstanding tourism stakeholders mula sa Pilipinas.

Kasabay nito, ipinahayag pa ni Madrona na maituturing din na isang napakalaking karangalan para sa bansa na kilalanin ang iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas bilang ASEAN Clean Tourist City.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang nasabing pagkilala ay nagpapakita na ang mga lugar tulad ng Baguio City, Ilagan Isabela at Tabuk ay mga lugar kung saan dumadagsa ang mga dayuhan at local na turista at labis na kinagigiliwan ang kanilang kultura bilang pangunahing tourist attraction.

Samantala, nag-courtesy call naman sa tanggapan ni Madrona sa Kamara de Representantes si Captain Oliver Sy Tanseco, Ph.D., Commander ng Philippine Coast Guard Legislative Liason Affairs (CGLLA). Kabilang ang investigation and Detection Management Service (IDMS).

Sinabi ni Madrona na pinag-usapan nila ni Captain Tanseco ang mga mahahalagang panukalanfg batas o significant bills kaugnay sa administrarive reform at reorganization ng PCG. Kung saan, aamiyendahan nito ang Republic Act No. 993 o ang Philippine Coast Guard Law of 2009.

Ayon kay Madrona, kabilang sa napag-usapan ay ang PCG Modernization Bill na nagsusulong ng modernization ng PCG.