Madrona

House Committee on Tourism: Tiwaling tauhan ng NAIA ang nagtataboy sa mga dayuhang turista

Mar Rodriguez Mar 7, 2023
173 Views

NAGBABALA ngayon ang House Committee on Tourism na mismong ang mga tiwaling tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagtataboy sa mga “foreign tourists” o dayuhang turista palabas ng Pilipinas matapos ang mangyari ang nakakahiyang insidente sa nasabing airport.

Nadismaya si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee, sapagkat tinatayang P1.27 bilyon pisong “tourism promo” ang posibleng maapektuhan dahil sa kabuktutang kinasangkutan ng ilang NAIA “security screening officer” (SSO).

Ayon kay Madrona, kung magpapatuloy aniya ang ganitong masamang gawain sa NAIA. Masasayang lamang umano ang mga ginagawang pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) upang mapaganda at mapasigla ang turismo ng bansa. Sapagkat itataboy lamang palabas ng Pilipinas ng insidenteng ito sa NAIA ang mga dayuhang nagnanais bumisita sa bansa.

Ang naging pahayag ni Madrona ay kaugnay sa insidenteng naganap noong nakaraang Marso 1. Kung saan, nagahip ng Closed-Circuit Television (CCTV) footage ang isang “security screening officer” (SSO) na sadyang kinuha ang relos ng isang Chinese passenger habang ito’y nakapila sa security sreening checkpoint.

Sinabi ni Madrona na P346 million ang kasakukuyang budget ng Office of Transport Security (OTS) ng NAIA na nakapaloob naman sa 2023 National Budget. Kung saa, lumalabas aniya na gumagastos ang mga taxpayers ng halos P1 million kada araw para sa suweldo operations ng OTS.

Bukod dito, ipinaliwanag pa ng kongresista na napupunta rin sa OTS ang parte nang kinokolektang NAIA termina fee na nagkakahalaga ng P300 mula sa domestic passengers at P750 naman kung ang isang pasahero ay sasakay ng international fligts. Subalit sa kabila ng napakalaking binabayaran ng mga pasahero ay hindi naman matatawag na “secured” kanilang mga kagamitan.

Iginiit pa ni Madrona na mistulang wala umanong kadala-dala ang management ng NAIA matapos na bansagan ang nasabing airport bilang “one of the world’s worst airport” na maituturing aniya na isang napakalaking sampal para sa Pilipinas na dinagdagan pa ng nangyayaring pagnanakaw.