Frasco

House Deputy Speaker Duke Frasco pinangunahan ang pagpapasinaya sa Dialysis Center sa Sogod

Mar Rodriguez Aug 29, 2023
151 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4PINATUNAYAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na hindi lamang infrastructure projects ang kaniyang tinututukan bagkos maging ang usaping pang-medikal matapos ang pagpapasinaya nito sa ipatatayong Dialysis Center sa bayan ng Sogod, Cebu.

Sinabi ni Frasco na nakatakdang magkaroon ng isang “state-of-the art” Dialysis Center sa Munisipalidad ng Sogod, Cebu na inaasahang napakalaki ang maitutulong para sa mga indigent patients ng nasabing bayan.

Ipinaliwanag ni Frasco na sakaling tuluyan ng naipatayo ang Mendero Sogod Dialysis Center sa pangunguna ng Chief Executive Officer (CEO) ng Mendero Medical Group na si Dr. Sam Mendero.

Maraming mahihirap na pasyente ang matutulungan nito dahil sa mga modernong kagamitan ipatatayong Ospital.

Ayon kay Frasco, mag-a-allocate umano siya ng P5 million bilang medical assistance fund para sa Mendero Medical Group na maaaring mapakinabangan ng mga mahihirap na residente ng District 5 ng Cebu sa pamamagitan ng ayudang pang-medikal na mangangailangan ng Dialysis treatment.

“Ang pagbabago na inaasam-asam ay dumating na. Ituloy natin ang supporta sa Team Frasco para sa patuloy na paglago ng ating Distrito,” sabi ni Frasco.