Gonzales Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

House leaders kinondena tangka ni VP Sara na pigilan impeachment trial

34 Views
Suarez
Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez

KINONDENA ng mga lider ng Kamara ang paghahain ng petisyon ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema upang pigilan ang pagsasagawa ng impeachment trial, kung saan mauungkat ang mga ebidensya kaugnay ng paggastos nito ng confidential fund at pagbabanta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Iginigiit nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga at Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon na ang petisyon ni Duterte ay tahasang pagtatangkang balewalain ang konstitusyonal na kapangyarihan ng Kongreso na tukuyin kung dapat siyang papanagutin sa umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan at iba pang akusasyon.

“The Constitution is clear—impeachment is the sole prerogative of Congress,” ayon kay Gonzales. “Natatakot na sila kaya gusto nang pigilan ang impeachment process. Mukhang totoo ang allegations on corruption lalo’t masisilip ang bank records.”

“VP Duterte’s petition is nothing more than a desperate attempt to evade accountability,” dagdag pa nito.

Pinaninindigan ni Suarez na sumusunod ang Kamara sa tamang proseso, at ang petisyon ni Duterte ay lumilikha ng isang mapanganib na halimbawa ng labis na panghihimasok ng hudikatura sa isang prosesong itinakda ng Konstitusyon.

“The House will not be deterred by legal theatrics. We will continue to uphold our constitutional mandate and ensure that the impeachment process proceeds fairly and transparently,” ayon pa kay Suarez.

Iginiit pa ni Suarez na ang legal na hakbang ni Duterte ay tila may pagkataranta at isang garapalang pagtatangka na pahinain ang impeachment trial bago pa man ang pormal na pagsisimula nito.

“If she truly believes she is innocent, she should face the charges head-on instead of running to the courts for protection. This attempt to short-circuit the process only raises more questions about what she is trying to hide,” punto ni Suarez.

Tiniyak ng mga lider ng Kamara na tututulan nila ang anumang pagtatangkang hadlangan o patagalin ang proseso sa pamamagitan ng mga pagmamaniobra sa batas, at muling iginiit ang kanilang paninindigan na pangalagaan ang integridad ng impeachment process.

“We will not be intimidated. The House will exercise its authority responsibly, fairly and without fear or favor,” ayon sa pinagsanib na pahayag nina Gonzales at Suarez.