Calendar

House lider kumpiyansa na OMB di magpapagamit sa kampo ni Duterte
INAKUSAHAN ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit umano na sandata ang Office of the Ombudsman (OMB) upang gantihan ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na bumoto pabor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Dalipe ang pahayag kasunod ng paghiling ng grupo ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Ombudsman na suspendihin ang mga pinuno ng Kamara na kanyang inakusahan ng pamemeke ng mga pampublikong dokumento kaugnay ng isyu ng budget insertions/blanks sa OMB.
Ayon kay Dalipe, ang panawagan ni Alvarez para sa suspensyon ay isang desperadong pagtatangka na gawin umanong sandata ang Ombudsman para sa paghihiganting pampulitika dahil nananatiling matatag ang Kamara sa pagtataguyod ng transparency at accountability, anuman ang political affiliations.
Ipinahayag niya ang kanyang kumpiyansa na hindi magpapagamit ang Ombudsman sa mga kaalyado ni Duterte.
“We trust that the Ombudsman will not allow itself to be used as a tool for political games and will dismiss this baseless request for preventive suspension. Speaker Romualdez and the House leadership will continue working for the people, unshaken by these desperate political maneuvers,” ani Dalipe.
Tinawag din niya ang reklamo at panawagan para sa suspensyon mula kay Alvarez bilang isang taktika upang ilihis ang atensyon sa impeachment ni VP Duterte.
“Malinaw ang taktika nila: mag-file ng mga kaso para may balitang pantakip sa mga isyung hinaharap ng mga Duterte. Kahit walang kuwentang kaso, isasampa sa korte para ilihis ang isyu at palabasin na masama ang mga House Members na nag-impeach sa Vice President,” aniya.
“Clearly, they are using this complaint as a diversionary tactic to shift public attention away from the real issue—the impeachment case against the Vice President and the accountability questions she must answer,” dagdag pa niya.
Kinuwestiyon din ni Dalipe ang tiyempo ng mga aksyon nina Alvarez at ng mga kaalyado ni Duterte.
“The timing of this complaint is telling. It is meant to pressure the House and create a false narrative that undermines the integrity of its leadership. However, we will not be intimidated by these tactics. The House remains focused on serving the Filipino people, ensuring government funds are used properly, and holding public officials accountable, regardless of political connections,” aniya.
Sinabi rin ni Dalipe na ang panukalang suspensyon ay isang hakbang upang gambalain ang gawain ng Kamara.
“The request for the Ombudsman to order the preventive suspension of House leaders is a blatant political maneuver aimed at disrupting the work of Congress. It is no coincidence that this comes at a time when discussions on the impeachment have gained traction,” aniya.
Ipinagtanggol din ni Dalipe ang proseso ng pagpapatibay sa 2025 national budget.
“Let’s be clear: the General Appropriations Bill (GAB) is a product of rigorous, transparent, and lawful deliberations. The allegations of ‘insertions’ are misleading and baseless, designed to discredit Speaker Romualdez and the House leadership for purely political ends. If there are genuine concerns, they should be addressed within the proper legislative processes, not through political harassment,” pahayag ni Dalipe.