Barbers Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

House Quad Comm inirekomenda kaso vs Duterte, Bato, Bong Go

Mar Rodriguez Dec 18, 2024
15 Views

Dahil sa pagkasangkot sa EJK

INIREKOMENDA ng House quad committee, na pinamumunuan ng lead chairman nito na si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace S. Barbers, ang pagsasampa ng kaso o “crimes against humanity charges” laban kina dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, Senators Christoper “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa, dalawang dating Philippine National Police (PNP) chief, dalawang police colonel at dating Palace aid patungkol sa madugo at brutal na extrajudicial killings (EJK).

Tumindig si Barbers, na chairman din ng House committee on dangerous drugs, sa plenaryo ng Kamara de Representantes para irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nabanggit na personalidad kaugnay sa pagkamatay ng tinatayang nasa 30,000 inosenteng indibiduwal na nadamay sa madugong EJK na naka-angkla sa war on drugs campaign na inilunsad ng administrasyong Duterte.

Sabi ni Barbers, ang limang dating police officials ay inirerekomenda nilang sampahan ng kaso kaugnay sa Section 6 at iba pang crimes against humanity sa ilalim ng Republic Act (RA) 9851, na mas kilala bilang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,” kabilang na ang genocide at kahalintulad nitong kaso na paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Barbers, kasama sa mga inirekomenda nilang sampahan ng naturang kaso ay sina dating PNP Chiefs Oscar David Albayalde at Debold Sinas, dating Police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo, at ang dating Palace aide na si Herminia “Muking” Espino.

Sa sponsorship speech ni Barbers, ang naging rekomendasyon aniya ng quad comm ay bahagi ng kanilang progress report patungkol sa 12 pagdinig na isinagawa ng joint committee o apat na komite sa Kamara na kinabibilangan ng House committees on dangerous drugs, public order and safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan S. Fernandez, public accounts na pinamumunuan ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, at human rights ni Manila 6th Dist. Rep. Bienvenido “Benny” M. Abante.

Paliwanag pa ni Barbers na ang kanilang report ay resulta ng kanilang trabaho at commitment na mapalabas ang katotohanan hinggil sa mga isyung iniimbestigahan ng quad comm.

“This report is not merely an account of our work. It is a solemn commitment to uncovering the truth, upholding justice and crafting meaningful legislative solutions to address the scourge of illegal drugs proliferation, unlawful land acquisition by foreigners, crimes linked to Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and extrajudicial killings,” sabi ni Barbers sa kaniyang sponsorship speech sa plenaryo.