Martin

House speaker Martin G. Romualdez itutulak na mapanatili sa 2023 budget ang alokasyon para sa libreng sakay program ng DOTr

Mar Rodriguez Nov 29, 2022
114 Views

Speaker: Pondo para sa Libreng Sakay, fuel subsidy itutulak maisama sa 2023 budget

TINIYAK ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na sisikapin nilang mapanatili ang pondo para sa allocation ng “Libreng Sakay” programs sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na nakapaloob naman sa 2023 national budget.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalagang mapanatili ang nasabing alokasyon para sa “Libreng Sakay” programs ng DOTr. Sapagkat ang probisyong ito na nakasaad sa 2023 national budget ay maituturing na “pro-people” na kailangan ng mga mamamayan.

Nabatid din kay Romualdez na napag-desisiyunan din ng mga kongresista na maglaan ng alokasyon na nagkakahalaga ng P5.5 bilyon para sa “Pantawid Pasada Fuel Program” (P2.5 billion), Libreng Sakay (P2 billion) at konstruksiyon ng mga bike lanes (P1 billion).

Ayon sa House Speaker, ang mga nabanggit na halaga ay bahagi ng P77 billion institutional amendments para sa tinatawag na pro-people program na nakapaloob sa 2023 national budget.

“Itong Pantawid Pasada at Libreng Sakay diretsong ginhawa ito sa ating mga kababayan. Ayuda ito sa mga drayber at operators sa panahon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. At ang libreng sakay naman ay malaking tulong sa ating commuters,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ipinaliwanag din Speaker Romualdez na ang patuloy na pagsirit sa presyo ng langis at gasolina ay patuloy na nagpapahirap aniya sa sektor ng transportasyon. Kung saan, ang fuel subsidy program ng pamahalaan ang isa mga inaasahan ng mga drivers at operators.