Martin

House Speaker Martin G. Romualdez kasama sa delegasyon ni PBBM na nakipagpulong sa mga cambodian business leaders

Mar Rodriguez Nov 10, 2022
214 Views

Speaker Romualdez kasama sa delegasyon ni PBBM na nakipagpulong sa Cambodian business leaders

KABILANG si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez sa delegasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kasama ang ilang matataas na Philippine officials at Filipino businessmen na nagtungo sa Cambodia upang dumalo sa Asean-Summit.

Nakipagpulong din sina Speaker Romualdez, Pangulong Marcos, ang ilang matataas na Philippine officials at Filipino businessmen sa mga business leaders ng Cambodia sa pamamagitan ng round table meeting upang lalo pang palakasin ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Romualdez na isang malaking karangalan para sa kaniya na maging kinatawan ng Kongreso kaugnay sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga malalaking negosyante ng Cambodia para lalo pang pagtibayin ang ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng negosyo.

“It is an honor to represent the entire House of Representatives in the meeting of President Bongbong Marcos with Cambodian business leaders,” ayobn kay Speaker Romualdez.

Ipinahayag din ng House Speaker na sinusuportahan ng Kamara de Representantes ang mga programa ng administrasyong Marcos para lalo pang hikayatin ang mga dayuhang negosyante na direktang maglagak ng kanilang puhunan o kapital sa Pilipinas.

Sinabi ni Romualdez na malaki aniya ang magagawa nito upang lalong sumigla ang ekonomiya ng bansa na siyang magpapa-angat naman sa buhay at kalagayan ng mamamayang Pilipino.

“We would study needed refinements in our laws, regulations and government policies so as to further attract foreign investments and create more jobs for Filipinos,” dagdag pa ni Romualdez.

Samantala, sinabi pa ni Speaker Romualdez na nagbunga na ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos upang maibangon ang naghihingalong ekonomiya ng bansa mula sa pandemiya matapos sumikad o umakyat sa 7.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas.

Sinabi ni Romualdez na ang pag-akyat ng GDP ng bansa ay nangyari sa third quarter ng taon.

Ipinahayag pa ng House Speaker na “President Marcos is a silent hard work on uplifting the economy is beginning to work. The economic expansion in the months of July to September 2022 is proof of that”.