Marianito Augustin

House Speaker Martin G. Romualdez namahagi ng tulong para sa mga sinalanta ng bagyong Egay sa Benguet at Baguio City

181 Views

NAMAHAGI ng tulong si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para sa mga kaawa-awang residente ng Benguet at Baguio City na sinalanta ng super typhoon Egay kamakailan.

Napag-alaman natin na umabot na sa P218.85 million ang nalikom na pondo ng tanggapan nina Speaker Martin Romualdez at maybahay nitong si TINGOG Party List Congresswoman Yedda Marie K. Romualdez na dadalhin para sa mga kababayan natin sa Benguet at Baguio City na sinalanta ng bagyong Egay.

Makikita natin dito kung gaano kalaki ang malasakit at pagmamahal ni Speaker Martin Romualdez para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Sapagkat sa kabila ng masamang panahon ay bumiyahe parin ang butihing House Speaker para tiyakin na makakarating ang tulong para sa kanila.

Sinuong ng House Speaker ang masamang panahon sa utos narin ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para tiyakin na makakarating ang tulong ng gobyerno para sa lahat ng mga naapektuhan ng bagyong Egay.

Dahil dito, mismong si Speaker Romualdez ang nanguna sa pamamahagi at paghahatid ng tulong at relief operation sa Baguio City at Benguet para sa mga residente na matinding sinalanta ng nasabing super typhoon. Kabilang na sito ang mga karatig na lugar na ganoon din ang sitwasyon.

Pagbubukas ng National Museoum of the Philippines sa Cebu City malaking asset para sa lalawigan, paniniwala ni Cong. Duke Frasco

PINASINAYAHAN kamakailan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang pagbubukas ng National Museum of the Philippines (NMP) sa Cebu City na magsisilbing karagdagang attraction sa nasabing lalawigan.

Dahil dito, naniniwala si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na isang malaking “asset” para sa turismo ng Cebu City ang pagbubukas ng NMP dahil ito’y magiging attraction para sa mga lokal at dayuhan turista na bibisita sa kanilang lalawigan.

Sinang-ayunan ni Congressman Frasco ang pahayag ng Pangulo na kailangang hikayatin ang mga lokal at dayuhang turista na isama sa kanilang itinerary ang pagbisita sa NMP para mas lalo pang mapayabong ang turismo ng Cebu City na makakatulong ng malaki sa ekonomiya ng lalawigan.

Ipinaliwanag din ni Frasco na ang mga museo sa Pilipinas katulad ng NMP sa Cebu City ay isang napakahalagang cultural asset na nagpapakita ng iba’t-ibang kultura at kasaysayan ng bansa.

Mga nakahilerang infrastructure projects ng DOT ikinagagalak ng House Committee on Tourism

SIGURADONG ikagagalak ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, ang mga nakahatag o mga nakaabang na infrastructure projects ng Department of Tourism. Ito yung pagsasa-ayos ng mga tulay at kalsada patungo sa isang tourist destination.

Kung si Congressman Madrona ang tatanungin tungkol dito, wala dudang ikatutuwa ng butihing mambabatas ang pagpapasimula ng mga infrastructure projects para sa Tourism Department sapagkat malaki ang maitutulong nito para mas lalo pang maging accessible ang iba’t-ibang tourist destination sa bansa.

Naharap man sa kontrobersiya ang DOT kamakailan, naniniwala tayo na hindi nito maaapektuhan ang mga nakahilerang proyekto ng Tourism Department para mas lalo pang mapayabong ang Philippine tourism na mabibigay ng napakalaking benepisyo para sa ekonomiya ng ating bansa.

Kung gaano kaabala ang DOT ay ganoon din si Congressman Madrona bilang Chairperson ng Committee on Tourism dahil napakaraming bagay ang kailangang talakayin ng kaniyang Komite lalo na ngayon at unti-unting ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Pilipinas matapos ang COVID-19 pandemic.

Batid natin na napakaraming isyung kakaharapin si Congressman Madrona sa Committee on Tourism dahil ang sektor ng turismo ang isa sa nagbibigay ng malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya inaasahan natin na maraming bagay ang kaniyang tatalakayin ngayong nagbalik na ang session ng Kongreso.

Good Luck po Congressman Madrona. Mabuhay Ka!