Oath

House speaker Martin G. Romualdez nananawagan sa mga public officials na huwag maging balat sibuyas sa pagpuna ng media

Mar Rodriguez Aug 10, 2022
221 Views

Speaker Martin G. Romualdez: Media kaagapay sa nation-building

NANAWAGAN si House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez sa mga public officials na huwag maging “balat sibuyas” patungkol sa mga pagpuna at kritisismo ng media sa kanila sapagkat sila ang kaagapay at katuwang ng pamahalaan sa tinatawag na “nation-building”.

Sinabi ni Romualdez na sa unang araw pa lamang ng kaniyang paglilingkod sa pamahalaan, itinuring na niya ang Philippine media hindi bilang isang kalaban bagkos kundi isang katuwang sa tinatawag na “nation building” o kaagapay ng pamahalaan.

“From day one in government, I have considered the Philippine media not as an adversary but a partner in nation-building,” sabi ni Romualdez.

Ang naging pahayag ng House Speaker ay kaugnay sa isinagawang “oath-taking ceremony” ng mga opisyal ng United Print and Multimedia Group sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Romualdez, ang ilan sa mga kasamahan niya sa pamahalaan ang nagsasabi na dapat nilang iwasan ang mga miyembro ng media dahil nakatutok lamang ang kanilang mga balita sa negatibong aspeto sa halip na itutok ang kanilang pansin sa mga positibong ulat.

“Some say we in government should be wary of journalist as the media usually focus on the negative rather than report the positive. They say, good news don’t make headlines. My experience with Filipino journalist debunks this myth,” ayon pa sa House Speaker.

Gayunman, ipinagtanggol din ni Romualdez ang mga mamamahayag na ang ilan sa kanila ay mga professional at responsible kung saan ang ibinabalita nila ay ang mga baltang naglalagablab o napapanahon na kinakailangang mabatid ng publiko.