House speaker Martin G. Romualdez Tiniyak kay PBBM at sa mamamayang pilipino na magkakaroon ng national budget para sa 2023

Mar Rodriguez Nov 25, 2022
157 Views

Romualdez: Magkakaroon ng budget sa 2023

TINIYAK ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa mamamayang Pilipino na maisasakatuparan ang National budget para sa susunod na taon na tinawag nitong “Agenda for Prosperity national budget”.

Ang naging pahayag ni Speaker Romualdez ay kaugnay sa ginanap ng Bicameral Conference Committee (BICAM) sa pagitan ng miyembro ng Kamara de Representantes at Senado para sa tinatawag na “reconciling” o pag-iisahin ang bersiyon ng dalawang Kapulungan sa panukalang P5.268 trillion budget para sa taogn 2023.

Si AKO-Bicol Party List Cong. Elizadle Co, Chairman ng House Committee on Appropriations, ang kinatawan sa hanay ng Kongreso sa BICAM panel. Samantalang si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, ang kinatawan para sa Senado.

Nauna rito, ipinasa ng Kongreso ang 2023 proposed budget alinsunod sa National Expenditure Program, ang bersiyon ni Pangulong Marcos, Jr. para sa “spending plan” ng gobyerno. Habang tinapos na ng Senado ang kanilang deliberasyon sa panukalang budget ngayong linggo.

Sinabi ng House Speaker na mayroon pang sapat na panahon ang Kamara de Representantes at Senado upang mapagkasunduan nila ang “final version” ng 2023 National budget bago magsimula ang kanilang Christmas recess sa darating na Disyembre 17.

“We have sufficient time, we will finally approve the budget before the yearend. It is the most important tool in accomplishing the objectives of the President’s agenda for prosperity and his eight-point socio economic development plan,” sabi ni Speaker Romualdez.

Naniniwala naman si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, kasama sa panel ng Kongreso sa BICAM, na magandang direksiyon ang tinatahak ng administrasyong Marcos, Jr. dahil sa magandang “economic plan” na isinusulong ng pamahalaan.

Sinabi ni Madrona na magandang kinabukasan ang naghihintay para sa bansa partikular na para sa mamamayang Pilipino. Alinsunod sa nilalaman ng 2023 National Budget kabilang na dito ang pagpapa-unlad sa sector ng turismo na isa sa itinuturing na haligi ng ekonomiya.

“Maganda ang nakikita nating future n gating bansa under ng administration of President Marcos, Jr. isa sa nakikita natin dito na talagang mabo-boost ng husto ay ang ating Philippine tourism dahil isa ito sa mga economic driver ng gobyerno na magbubukas ng maraming opportunities,” ayon kay Madrona.