Martin

House speaker Martin G. Romualdez tiniyak na magiging parehas sa lahat ng kongresista

Mar Rodriguez Jul 26, 2022
256 Views

BILANG bagong lider ng Kongreso, tiniyak ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez sa kaniyang mga kapwa mambabatas at sa kanilang mga “constituents” na magiging parehas siya at walang kikilingan kaugnaysa pamamahagi ng pondo para sa kanilang mga Distrito.

Sinabi ni Romualdez na bilang Speaker, nakahanda siyang pakinggan ang lahat ng “concern” at usapin ng bawat kongresista hinggil sa kani-kanilangmga Distrito. Kasabay ng kaniyang pangako na sisikapin niyang maging parehas at walang pinapaboran.

“As your Speaker, I vow to attend to all the concern of your concerns of your constituents. I shall try to be as fair as possible and favor no one,” sabi ni Romualdez.

Tiniyak pa ni Speaker Romualdez na magiging parehas din siya sa pamamahagi ng pondo na ilalan naman ng mga kongresista sa kani-kanilang lalawigan o Distrito, kahit ano pa ang maging “political affiliation” o partidong kinaaniban nito.

“There will be fair and equitable distribution of resources for development of our regions, regardless of political affiliation. Every Filipino family must be included in any development agenda. No one gets left behind,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Binigyang diin pa ni Romualdez na laging bukas ang kaniyang tanggapan para sa lahat ng mambabatas na dudulog sa kaniya. Kung saan, hindi namahalaga para sa kaniya kung ang kongresistang ito ay bahagi ng mayorya o minorya sa Mababang Kapulungan.

“Priority will be given to those willing to share the aspirations of their constituents with me,” dagdag pa ni Romualdez.