Martin1

House Speaker Martin Romualdez muling nagbabala sa “profit-hungry traders”

Mar Rodriguez Feb 7, 2023
201 Views

MULING nagbabala si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez laban sa mga tinawag nitong “profit-hungry traders” o mga negosyanteng hayok sa kita na minamanipula at iniipit ang supply ng mga agricultural products na maghinay hinay sa kanilang kasakiman.

Ang naging babala ni Speaker Romualdez ay kaugnay sa ginanap na pulong sa pagitan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes, mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA) at mga opisyal mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Romualdez na napag-usapan sa nasabing pulong ang paglulunsad ng “all-out war” laban sa mga tusong negosyante na sadyang minamanipula at iniipit ang supply ng mga agricultural products tulad ng bawang at sibuyas sa layuning pataasin ang presyo nito sa mga pamilihan.

“Will be working closely with the Executive, with the Department of Agriculture, to make sure these hoarders and all these foolish activities of traders are stoped,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagbigay din ng mensahe ang House Speaker laban sa mga tiwaling traders o mga tusong negosyante na mag-hunos dili umano sa kanilang kasakiman na tinawag nitong “moderate your greed” at agad na ipalabas ang supply ng mga basic commodities na iniipit o hino-hoard nila.

“My message is: Moderate your greed. Release the supply of basic commodities, these vegetables. Whether they be onion, garlic. Moderate your greed, give us fair prices. If not, your days are numbered. We’re going after all of you,” pagdidiin pa ni Romualdez.