BBM2

House Speaker Martin Romualdez optimistiko sa nakatakdang pulong nina PBBM at US Pres. Joe Biden

Mar Rodriguez Apr 27, 2023
163 Views

OPTIMISTIKO si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na magbibigay ng napakalaking benepisyo para sa Pilipinas ang nakatakdang pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at United States (US) President Joe Biden.

Sinabi ni Speaker Romualdez na inaasahang magkakaroon ng napakaganda at positibong resulta ang napipintong paghaharap at pag-uusap ng dalawang “head of state” sapagkat ang isa sa mga magandang ibubunga nito ay ang pagbabayad sa malaking dividendo ng Pilipinas.

Binanggit ni Speaker Romualdez na partikular na dito ang terms of security at lalong lalo na sa apeto ng ekonomiya na inaasahang makakapag-bigay ng napakaraming investment opportunitiesn o paglalagak ng puhunan at negosyo at pagkakaroon ng maraming job opportnunities para sa mamamayang Pilipino.

Inilatag ng House Speaker ang “groundwork” para sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Marcos, Jr. at US President Biden kasama na ang mga American lawmakers para pag-usapan ang pagpapalakas at pagpapatibay defence and security cooperation at economic partnership sa pagitan Pilipinas at Estados Unidos (US)

“The meeting between Marcos and US President Joe Biden will further reinforce the robust long-term bilateral relations between the Philippines and the United States and I am confident it would redound yo huge dividends for our country in terms of security and increased economy cooperation among others,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi pa ng House Speaker na ilang araw bago ang nakatakdang pulong nina Marcos, Jr. at Biden, dalawang linggong aniya siyang nasa US upang makipagpulong sa mga US lawmakers at talakayin ang kooperasyon sa defense at security kabilang na dito ang economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon sa House Speaker, makasaysayan at naging mabunga ang kaniyang pulong sa House Speaker ng Amerika. Kung saan, ito ang unang pulong sa pagitan ng dalawang House Speakers ng dalawang bansa (Pilipinas at US) sa nakalipas na mga taon.

Naniniwala si Speaker Romualdez na lalong mapapalakas nito ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos partikukar na sa security alliance at economic partnership.

Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na nagkasundo sila ng mga American lawmakers na palakasin ang komunikasyon, kooperasyon at koordinasyon sa pagitan ng dalawang institusyon.