Dy

housing developers oobligahin maglagay ng ICT sa projects

Mar Rodriguez Oct 16, 2022
208 Views

OOBLIGAHIN na ngayon ang mga big time at small time housing developers na maglaan ng isang “designated area” sa kanilang mga proyekto para makapagpatayo sila ng Information and Communication Technology (ICT) na magagamit ng kanilang mga costumers.

Ito ang nakasaad sa House Bill No. 4472 na isinulong ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V sa Kamara de Representantes para obligahin ang mga housing developers na sa bawat ipatatayo nilang kabahayan at subdivision ay kinakailangan silang maglaan ng isang lugar para sa ICT o “internet connection” para sa mga residente.

Sinabi pa ni Dy na ang paglalagay ng ICT o ang tinatawag na “digital connectivity” sa mga ipapatayong kabahayan, subdivision, villages at iba pang residential areas na kahalintulad nito ay dapat lamang na maging bahagi ng amenities o dagdag serbisyo.

Ipinaliwanag din ni Dy na noong panahon ng pandemiya ay mas lalo aniyang nakita ng publiko ang kahalagahan ng “digital connectivity” o ang pagkakaroon ng internet connection dahil ito ang nagsilbing matibay na instrumento para manatiling “updated” ang mga Pilipino sa mga kaganapan habang nasa ilalim “health crisis” ang Pilipinas.

“The pandemic has highlighted just how crucial digital connectivity is to our lives. We must equipped to tackle challenges under the new normal, and this includes ensuring greater access to the internet which we hope this measure will address,” ayon kay Dy.

Sa ilalim House Bill No. 4472, kinakailangang maglagay ng humigit kumulang na isang hektaryang ang bawat housing developers sa kanilang proyekto para pagtayuan ng ICT na magsisilbing internet connection sa kanilang mga costumers na kukuha ng pabahay.