Biktima

Hustisya, reporma panawagan ni Bordado sa gitna ng ulat ng Quad Comm sa EJK

16 Views

HINAMON ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang mga mambabatas na gumawa ng isang konkretong hakbang matapos mapagtibay ang ulat ng House Quad Committee kaugnay ng extrajudicial killings (EJKs) sa pagpapatupad ng Duterte drug war.

Sa kanyang manipestasyon sa pagdinig ng komite ngayong Martes, nanawagan si Bordado ng hustisya para sa mga biktima ng EJK noong nakaraang administrasyon, na inilarawan nitong isang madilim na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Mr. Chairman, I wish to echo the voices of countless families whose loved ones fell victim to the tragic consequences of the previous administration’s war on drugs,” sabi ni Bordado. “These innocent lives, taken without due process, cry out for justice—a justice that this august chamber has seriously considered by adopting the House Quad Committee’s report on extrajudicial killings.”

Batay sa mga ebidensya na lumabas sa pagdinig ng Quad Committee, lumalabas na mayroong sistematikong paglabag sa karapatang pantao noong war on drugs campaign.

Sinabi rin ni Bordado ang naging ulat ng Quad Comm: “Former President Rodrigo Duterte’s war on drugs was a catastrophic failure. It corrupted the PNP, promoted impunity, and led to widespread human rights abuses.”

Ayon sa ulat ng komite, maaaring itulak ng mga ahensya ng gobyerno ang pagsasampa ng Republic Act 9851 kaugnay ng krimen laban sa international humanitarian law, genocide, at iba pang krimena laban sa sangkatauhan.

“This is not simply a matter of looking back at a dark chapter in our history. It is about ensuring that no administration—present or future—will ever again exploit the powers of government to wage a war that disregards due process, human dignity, and the rule of law,” giit ni Bordado.

Sinuportahan din ni Bordado ang pagpasa ng mga panukalang batas upang matugunan ang mga butas sa batas na nakita ng Quad Comm gaya ng pagklasipika sa extrajudicial killings bilang heinous crimes; pagbabawal ng Philippine offshore gaming operators (POGOs); pagpapalakas ng mekanismo para sa civil forfeiture ng mga ari-arian na iligal na binili; at pagtatayo ng isang independent na Philippine National Police Internal Affairs as an independent and autonomous agency.

“Justice must not be delayed any longer,” pagtatapos ni Bordado. “These reforms, coupled with the pursuit of accountability, are necessary steps toward healing the wounds of the past and restoring trust in our institutions.”