bro marianito

Huwag sayangin ang biyaya ng Diyos

714 Views

Huwag Nating sayangin ang talento at talinong ipinagkaloob sa Atin ng Diyos (Mat. 25:14-30)

MAY mga tao ang napakahusay kumanta. Nagagamit Nila ng husto ang Kanilang talento sa maraming pagkakataon. Samantalang ang iba naman ay napakahilig kumanta. Pero ang kanta ay walang kahilig-hilig sa Kanila.

Gayunman, ang mahalaga parin ay nagagamit naman Nila ang Kanilang talino sa maraming pagkakataon. Ang talento at talino ay kapwa ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa lahat ng tao na nabubuhay dito sa ibabaw ng daigdig.

Ang lahat ay biniyayaan nito ayon sa Kaniyang kakayahan.

Ganito ang tema ng Mabuting Balita ngayon (Mateo 25:14-30). Kung saan, mababasa Natin ang kuwento tungkol sa “Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi”.

Ang mensahe ng Pagbasa ay patungkol sa talino at talentong ibinahagi ng Diyos sa lahat ng tao na naglalarawan sa “salaping” ibinigay ng isang taong maglalakbay para sa Kaniyang mga tauhan.

Gaya nang Ating sinabi. Ang lahat ng tao ay pinagkalooban ng Panginoon ng talino, talento at pagkakataon para paunlarin Niya ang mga biyayang ito habang Siya ay naririto sa ibabaw ng lupa / batay sa Kaniyang kakahayan at abilidad.

May ilan ang napagyabong at napagyaman ang Kaniyang talino at talento hindi lamang para sa Kaniyang sarili kundi para mapakinabangan din ito ng Kaniyang kapwa.

Hindi Niya ipinagdamot ang Kaniyang talento at talino para sa Kaniyang sariling kapakanan lamang.

Kundi ito ay Kaniyang ibinahagi para sa ikabubuti at kagalingan ng ibang tao.

Gaya Niya ang tao sa kuwento na pinagkatiwalaan ng P5,000 na ipinangalakal ang perang natanggap Niya para tumubo ito ng isa pang P5,000.

Gayundin ang tumanggap ng P2,000. Hindi Niya sinayang ang pagkakataon at sinira ang tiwala ng Kaniyang amo dahil ang perang nasa Kaniya ay napaunlad din nito. May kasabihan na “Opportunity only knocks ones”.

May mga kakilala ako na sobrang nanghihinayang at nagsisisi sa oportunidad na pinalampas Nila.

Sila Narin ang nagsabi na umiyak man sila ng dugo, hindi na babalik yung magandang pagkakataong hinayaan Nilang makalampas sa buhay Nila.

Ganito rin ang nangyari sa tao sa Ating Pagbasa na pinagkatiwalaan ng P1,000 ng Kaniyang amo.

Sa halip na paunlarin ang kakaunting salapi nasa Kaniya ay mas ginusto pa Niyang ito’y ibaon sa lupa.

Ito’y naglalarawan sa mga taong tamad at walang ambisyon sa buhay at ayaw magbanat ng buto.

Mga taong stambay at walang gagawin sa maghapon kundi ang kumain, matulog at maglasing.

May mga talento at talino ang mga ganitong tao.

Subalit sinasayang lamang Nila ang Kanilang panahon at oras sa mga bagay na wala namang kapararakan.

Sa halip na gamitin Nila ang Kanilang abilidad sa mga prodaktibong gawain na maaaring magpaunlad sa Kanilang pamumuhay.

Ang Aking kaibigan ay isang licensed Engineer.

Matalino Siya at graduate ng isang pristiyosong unibersidad.

Subalit wala Siyang trabaho ngayon at mas gusto pa Niyang magkulong na lamang sa bahay.

Lahat ng kompanyang pinapasukan ay inaayawan din Niya.

Wala Siyang nakakasundo, lahat ng tao sa opisinang iyon ay nakaka-away Niya.

Ang reklamo naman ng mga taong nakakasalamuha Niya ay tamad daw Siya.

Kapag sa loob ng opisina ay wala naman ginagawa.

Biniyayaan tayo ng Panginoon ng biyaya at grasya sa pamamagitan ng Ating talento at talino.

Hindi na Natin masisisi ang Diyos dahil hindi Siya nagkulang. Ibinigay na Niya ang lahay sa Atin.
Tayo na mismo ang may diperensiya dahil masyado tayong naging pabaya.

AMEN