Lito Lapid

Iboto po natin si Sen. Lito–Coco Martin

33 Views

Coco MartinNAKIUSAP ang aktor at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo na si Coco Martin sa mga Batangueno na iboto si Sen. Lito Lapid (#35) sa May 12 elections.

Sa kanyang mensahe sa proclamation rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Malvar, Batangas, hiniling ni Coco na iboto si Lapid, ang supremo sa Batang Quiapo.

“Gusto ko rin po sanang ihiling sa inyo ang isa sa aking nirerespeto, mahal na kaibigan na itinuturing ko ring ama.

Hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi ko nakita sa kanya ang kabutihan, kababaang-loob, pagkilos at pagiging tapat. Sana po suportahan din natin si Sen. Lito Lapid, number 35 sa balota.”

Inendorso ni Lapid ang FPJ Panday Bayanihan partylist na pinangungunahan ni Brian Poe-Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Lapid na hindi nya malilimutan ang naitulong ni
Fernando Poe Jr. sa kanilang pamilya dahil ang kanyang ama na si Jose Lapid stuntman noon ni Da King.

Namatay sa kandungan ni FPJ ang ama ni Lito Lapid habang dinadala sa ospital dahil sa sakit.

“Walang Lapid sa pelikula kung walang FPJ. Noong ako po nagsimula maging bida sa pelikula, sinuportahan po ako ni FPJ. Nagbida po ako noon sa Jess Lapid story.

Wala po si Jess Lapid Sr. kung walang FPJ. Kaya po wala rin sa pulitika si Lito Lapid na nasa harap nyo ngayon kung walang FPJ,” ayon kay Lapid

Si Jess Lapid Sr. tiyuhin ni Lito Lapid.

Nagka-tambal sina FPJ at Lapid sa pelikulang kalibre .45 noong 1980, kasama ang namayapang si Eddie Garcia.

Bukod kina Lapid at Martin, kasama rin sa nag-endorso sa FPJPB partylist si Lovi Poe, isa sa mga anak ni da King.