Calendar
ICC di pipigilan ni PBBM mag-imbestiga sa war on drugs ni Duterte
HINDI tutulungan o pipigilan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang International Criminal Court (ICC) sa pag-iimbestiga sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ni Pangulong Marcos sa hirit ni Duterte naa bilisan ang imbestigasyon ng ICC sa pangambang mamamatay na siya.
Sinabi ni Pangulong Marcos na gaya ng pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi haharangin ng Pilipinas kung nanaisin ni Duterte na sumuko sa ICC
“Well, as the comment of the Executive Secretary, the former Chief Justice, if ‘yun ang gugustuhin ni PRRD hindi kami haharang doon sa mga ICC.
Hindi lang kami tutulong. Ngunit kung pumapayag siya na makipag-usap siya o magpa-imbestiga siya sa ICC nasa kanya ‘yun. Wala na kaming desisyon doon,” pahayag ni Pangulong Marcos.