Ice seguerra

Ice Seguerra, nangaroling

221 Views

Ice seguerra Ice seguerra Ice seguerra Ice seguerra Ice seguerra Ice seguerraIce Seguerra HINDI naging tipikal ang growing up years ng dating child star na si Ice Seguerra dala ng kanyang kasikatan noon. Dahil maraming nakakakilala at natutuwa sa kanyang pagiging bibo, hindi siya basta-bastang nakakalabas at nagkakaron ng pagkakataon na makihalobilo sa kapwa niya bata sa lugar nila.

“Naalala ko, para makapaglaro ako kasama ng ibang bata sa lugar namin, pinasasara yung buong kalsada tapos may mga tanod na nagbabantay sa magkabilang dulo,” ani Ice na ngayon ay 40 years old na.

Dala ng kanyang popularidad, maraming mga bagay ang hindi na-experience ni Ice at isa na rito ang pangagaroling tuwing kapasukuhan. “Maaga kasi akong nag-artista so never ko inabot yung opportunity na makapag-karoling sa mga random house, as in walk house-to-house. Kaya gusto talaga gawin.”

Kamakailan, nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Ice na makapag-karoling sa ilang piling residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Solmux Advance, ang upgraded na solusyon galing sa popular na brand ng gamot para sa ubo na gawa ng Unilab, Inc.

Naging maaga ang Pasko para sa mga nakatatanda na sina Golden Alquiza, Fe Ocheada, Simplicia Cunanan, Erlinda Sese, at Isabel Angeles nang bisitahin sila ni Ice upang maghandog ng mga awiting pamasko. Lahat sila ay nasurpresa sa hindi inaasahang pagdating ng ngayon ay celebrated singer-songwriter.

Unang nagtungo si Ice sa tinutuluyan ni Lolo Golden, 63-years-old at wala ng pamilyang kumakalinga. Ayon kay Lolo Golden ay matagal na siyang iniwan ng kanyang asawa habang ang dalawa naman niyang anak ay hindi din bumibisita sa kanya. Naaksidente noon si Lolo Golden kaya siya napilay ngunit sa kabila nito ay nagsisikap pa rin siyang maghanap-buhay bilang isang parking boy upang may pambili siya ng pagkain at gamot. Bakas ang tuwa sa mukha ni Lolo Golden nang makita at marinig ang boses ni Ice. “Masaya ako na nadalaw niya ako. Naalala ko ang mga anak ko sa kanya,” ani Lolo Golden.

Sunod na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Fe, isang stroke patient na ang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga basahan. Kasama nitong namumuhay ang dalawang apo at isang pamangkin na isang breast cancer survivor. Katulong niya ang mga ito sa mga gawaing bahay. Ani Lola Fe, hindi niya naisip na posibleng madalaw siya ni Ice para kantahan. “Napapanood ko lang siya sa TV dati, ngayon may dala pang regalo na prutas at gamot,” wika ng 71 anyos na balo.

Nagpatuloy ang pangangaroling ni Ice sa bahay ni Lola Simplicia, isang 76 anyos na balo. Sa kabila ng kanyang edad at kondisyon, siya pa rin ang nag-aalaga sa anak niyang may cerebral palsy na ngayon ay 39 anyos na. Gayunpaman, walang pagsidlan ng galak si Lola Simplicia nang matanaw na nito kung sino ang nasa tapat ng bahay niya. Dumaloy ang mga luha ng kasiyahan dahil hindi din siya makapaniwala. “Hindi ko inaasahan na si Ice ang masisilayan ko paglabas. Sobrang saya ko.”

Samantala, ang 60 anyos na si Erlinda Sese ay sinalubong ng yakap si Ice habang ito ay naglalakad papalapit sa kanyang tahanan. Balot man ng lungkot dala ng trahedya ng pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang anak at asawa, malugod nitong tinanggap si Ice at matamang nakinig sa tinig ng mga awit na handog para sa kanya ng singer-songwriter.

Ang huling bahay na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Isabel, isang 90 anyos na mayroon ding anak na disabled at bedridden. Maraming anak si Lola Isabel ngunit may mga pamilya na rin ang mga ito at hirap din sa buhay. Upang may pambili ng pagkain at gamot, nangangalakal si Lola Isabel kasama ang isang anak na tumutulong sa kanya.

Tunay na hindi malilimutan ng mga indibidwal at kanilang mga pamilya ang pagbisita at pangangaroling ni Ice ngunit naging mas makabuluhan ito para sa mang-aawit.

“Happy ako na napuntahan ko sila kasi malambot talaga ang puso ko sa mga matatanda… I see my parents in them and I wish now that they are in their twilight years, sana they could rest and enjoy life, yung tipong nagwawalis na lang sila sa harap ng bahay or nagha-hardin,” ayon kay Ice.