Calendar
Ikatlong impeachment complaint inihain sa Kamara laban kay VP Sara Duterte
ISA pang grupo ng mga abogado, alagad ng Simbahan at kasapi ng cause-oriented groups ang nagsampa ng ikatlong “impeachment complaint” laban kay Vice President Inday Sara Duterte na nag-uugat pa rin sa kontrobersiyal na P612 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ang naghain ng ikatlong impeachment complaint ay kinabibilangan ng 12 grupo mula sa hanay ng mga pari mula sa Diocese ng Novaliches, Order of Carmelites, at Congregation of the Mission. Ang grupo ng mga abogado ay mula sa Union of People’s Lawyers of Mindanao.
Inihain ng 12 grupo ang naturang impeachment complaint sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco.
Sinabi ng lead counsel ng naturang 12 grupo na si Atty. Amando Virgil Ligutan na ang pinagbatayan ng isinampang reklamo laban kay Duterte ay kinabibilangan ng culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, plunder, malversation and technical malversation at betrayal of public trust.
Nabatid pa kay Ligutan na ang mga kongresistang mag-eendorso ng ikatlong impeachment complaint ay sina Camarines Sur 3rd Dist. Rep. Gabriel Hidalgo Bordado, Jr. at AAMBIS-OWA Party List Rep. Lex Anthony Cris A. Colado bagama’t katatapos pa lamang mag-adjourn ang session ng Kamara de Representantes para bigyang daan ang Christmas break ng mga mambabatas.
Paliwanag pa ni Ligutan na ang pinagbasehan din ng pangatlong impeachment complaint laban kay Duterte ay buhat sa mga isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government – ang Blue Ribbon Committee ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni Manila 3rd Dist. Rep. Joel R. Chua. Sa mga pagdinig ay dito nabunyag ang umano’y maling paggastos ng OVP at DepEd ng P612 milyong confidential fund na inilaan kay Duterte.
“This is the third impeachment complaint against the Vice President. The impeachment complaint is filed by a group of complainants, we have priests from the Diocese of Novaliches, we have priests from the Order of Carmelites, we have priests from the Congregation of the Mission, we also have lawyers from the Union of People’s Lawyers of Mindanao. The grounds for the impeachment are the following: culpable violation of the Constitution, we also have the ground of bribery, graft and corruption, plunder, malversation and technical malversation. Ultimately, the ground of betrayal of public trust,” paliwanag ni Ligutan.
Muling binigyang diin ni Ligutan na ang pangunahing pinagbatayan ng impeachment complaint ay kung papaanong illegal, maanomalya at kuwestiyonableng ginastos ni Duterte ang confidential funds na ipinagkatiwala sa kaniya ng Republika ng Pilipinas alinsunod na rin sa resulta ng imbestigasyon ng House Blue Ribbon Committee.
Kabilang dito ang paggamit ni Duterte ng mga kaduda-dudang pangalan gaya ng kontrobersiyal na si “Mary Grace Piattos”.
“So the impeachment complaint is based on how the Vice President of the Republic of the Philippines illegaly disbursed the Confidential Funds entrusted by the republic to her. This is based on the result of the Committee hearings done by Congress. This is based on the facts that disbursement of the Confidential Funds were not properly done and the use fictitious individuals,” sabi pa ni Ligutan.