Garcia

Ilang balota para sa BSKE papalitan ng Comelec

202 Views

PAPALITAN ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang balota na gagamitin sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia mayroong mga munisipyo na na-convert na sa siyudad. Na-imprenta na umano ang mga balota bago naipatupad ang kumbersyon ng mga ito.

Ilan sa mga bayan na ngayon ay siyudad na ay ang Baliwag sa Bulacan, Calaca sa Batangas, at Carmona sa Cavite.

Maglalabas naman ng anunsyo sa mga darating na araw ng Comelec kaugnay ng balota na gagamitin sa mga barangay na sakop ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO) na dating nasa Makati City at ngayon ay bahagi na ng Taguig City.

Hindi naman sinabi ni Garcia kung ilang balota ang kailangang palitan.

Nasa 92 milyon ang kuwalipikadong bumoto sa BSKE—68 milyon para sa barangay elections at 24 milyon sa SK elections.